YouVersion Logo
Search Icon

Ang Kwento ng Naglayas na AnakSample

Ang Kwento ng Naglayas na Anak

DAY 6 OF 7

May naghandog na ba ng party—para lang sa’yo? 🥳

Kumusta ka na? Naramdaman mo ba ngayong linggo ang napakalawak na pagmamahal ng Amang nasa langit — ang pagmamahal na inilarawan sa puso ng ama ng naglayas na anak?

Sa mga nakalipas na araw, nalaman natin ang reaksyon ng ama nang umuwi ang anak: malayo pa lang ay nakita na niya ang pagdating nito, sinalubong ng ama ang kanyang anak, niyakap at hinalikan. Tapos, pinasuotan ito ng singsing, bagong damit, at sandalyas. Ngayong araw, ipagpatuloy natin ang kuwento at makikita natin kung ano pa ang karagdagang ginawa nito:

At kumuha kayo ng guya na pinataba natin, at katayin ninyo. Magdiwang tayo dahil ang anak ko na akala koʼy patay na ay bumalik na buhay. Nawala siya, ngunit muling nakita.’ Kaya nagsimula silang magdiwang. (Lucas 15:23-24 ASND)

Naku! If you were in the place of that father, would you do a thing like that? Parang ang hirap isipin ano? Pero ikinuwento ito ni Jesus para ipakita ang puso ng ating Ama sa langit. Ibig sabihin, sa ganoong paraan din lumalabas ang saya Niya kapag may bumalik na anak Niya.

Nakapag-decide ka ba ngayong linggo na bumalik sa Kanya? Kung nangyari ito, tanggapin mo rin ang inilarawan ni Jesus na reaksyon ng ama sa kuwento ng naglayas na anak — isang ama na nagdiwang, dahil ang nawawalang anak ay muling nakita, na parang patay na pero bumalik pang buhay.

Ngayon ay puwede nating dasalin ito: “Lord, salamat at laking tuwa Mo na makita akong bumabalik sa Iyo. Ipaunawa Mo sa akin kung gaano kalalim ang pagmamahal Mo sa akin bilang Ama ko sa langit. In Jesus’ name, amen.”

Tandaan mo, isa kang miracle!

Scripture