YouVersion Logo
Search Icon

Ang Kwento ng Naglayas na AnakSample

Ang Kwento ng Naglayas na Anak

DAY 1 OF 7

Feeling mo ba na malayo ka kay Lord?😞

Minsan ba, may pakiramdam kang parang ang layo mo na kay Lord? Na parang wala nang pag-asa na tanggapin ka pa Niya? O kung hindi man kay Lord, may ganitong karanasan ka ba sa mga magulang mo?

Bakit namin naitanong ito? Because this week, our series will be about one of the parables that Jesus told, “Ang Kwento ng Naglayas na Anak.” Isa ito sa mga pinakakilalang kuwento ni Jesus. Pero kung hindi mo ito alam, don’t worry, we will fill you in. At kung alam mo naman ito, we still believe you’ll be blessed by it.

Ito ang umpisa ng kuwento:

“May isang ama na may dalawang anak na lalaki. Sinabi ng bunso sa kanyang ama, ‘Ama, gusto ko na pong kunin ang bahaging mamanahin ko.’ Kaya hinati ng ama ang ari-arian niya sa dalawa niyang anak.“Pagkalipas ng ilang araw, ipinagbili ng bunso ang lahat ng minana niya at pumunta sa malayong bayan. Doon ay winaldas niya ang lahat sa walang kuwentang pamumuhay. (Lucas 15:11-13 ASND)

Nakita mo ba kung ano nangyari? Kinuha ng bunso ang kanyang bahagi ng mamanahin bago pa man mamatay ang ama. In Jewish culture, this is actually a very big insult. Parang sinasabi ng anak na, “I can’t wait for you to die!” Dito pa lang, ang laki na ng kasalanan ng anak. Matapos niyang makuha ang kayamanan, hindi pa niya ito ginamit nang wasto; sa halip, winaldas pa niya ito.

May mga panahon bang pakiramdam mo na ganito din ang nagawa mo sa Panginoon? Hindi ka nag-iisa. Gusto ka naming bigyan ng pag-asa, dahil ang kuwentong ito ay may happy ending— sa huli, bumalik itong anak. Gaya ng para sa iyo, laging bukas ang pinto upang bumalik sa Kanya.

Tandaan mo, isa kang miracle!

Mag-subscribe sa May Himala Every Day para makakatanggap ng daily encouragements.

Scripture