Ang Kwento ng Naglayas na AnakSample

Gusto ka Niyang yakapin at halikan!
Kumusta ka habang pinag-uusapan natin ang “Kwento ng Naglayas na Anak”? May mga nakikita ka bang nakakatulong sa buhay mo mula dito ngayon? Kung meron, feel free to send us an email, we’d love to hear about it!
Meanwhile, let’s continue our conversation. Kahapon, nabasa natin ang tungkol sa realisasyon ng anak habang nasa malayong lugar pa siya. Napagtanto niya na kailanman ay hindi siya kinulang ng pagkain sa bahay ng ama, kaya nag-isip siya ng sasabihin sa kanyang ama pag-uwi niya.
Ano kaya sa palagay mo ang gagawin ng ama pag-uwi ng anak? Tatanggapin kaya niya, papagalitan nang husto o papalayasin ulit?
Ito ngayon ang karugtong ng kuwento:
Kaya umuwi siya sa kanyang ama. Malayo paʼy natanaw na siya ng kanyang ama at naawa ito sa kanya, kaya patakbo siya nitong sinalubong, niyakap at hinalikan. (Lucas 15:20 ASND)
Aba. Would you have expected this? Malayo pa lang ay natanaw na niya ang kanyang anak—posible kayang ibig sabihin nito’y araw-araw siyang naghihintay? Kung bakit hindi siya nabigla sa pagbabalik ng kanyang anak? Pagkakita niya dito, labis na awa ang kanyang naramdaman, at ano ang kanyang ginawa? Sa halip na magalit, tumakbo siya upang salubungin ito, pagkatapos ay niyakap ito at hinalikan!
Kung ikaw ngayon ay nagdadalawang-isip pang bumalik kay Lord, tingnan mo ang paglalarawang ito. Sigurado akong ganito din ang gagawin ng Panginoon sa iyo sa oras na bumalik ka sa Kanya. Dahil ang kuwentong ito ay kuwento ni Jesus, bilang paglalarawan ng puso ng Ama natin sa langit. Ganoon kalalim ang pagmamahal Niya sa iyo—tanggapin mo ito nang buong-puso.
Tandaan mo, isa kang miracle!
Scripture
About this Plan

7-day Reading Plan Patungkol sa Ang Kwento ng Naglayas na Anak
More
Related Plans

Cradled in Hope

Every Nation: Getting to Know God More Through Psalm 19

Pentecost and the Work of the Spirit

Bold Prayers for Moms: A Back-to-School Devotional

Create: 3 Days of Faith Through Art

Unstoppable

A Heart After God: Living From the Inside Out

A Slower Life

2 Kings | Chapter Summaries + Study Questions
