Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa PanalanginSample

Araw 23: Sa Lahat ng Nilalang, Sa Bawat Henerasyon
Ni Amazing Grace Cruz (Si Amazing ay nagtatrabaho kasama ang mga ulila sa pamamagitan ng Kingdom Kids ministry sa India)
"'‘Ito ang gagawin ko sa mga huling araw,’ sabi ng Diyos,
‘Ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng tao;
ipahahayag ng inyong mga anak na lalaki at babae ang aking mensahe.
Ang inyong mga kabataang lalaki ay makakakita ng mga pangitain,
at ang inyong matatandang lalaki ay magkakaroon ng mga panaginip.
Sa panahong iyon, ibubuhos ko rin ang aking Espiritu,
sa aking mga alipin, maging lalaki at maging babae,
at ipahahayag nila ang aking mensahe.'"
— Gawa 2:17-18
Sa mga huling araw, ibubuhos ng Diyos ang Kanyang Espiritu sa lahat ng nilalang, mula sa mga bata hanggang sa matatanda. Ang mga naghahanap ay makakatagpo sa Kanya. Isang henerasyon na nabago ng panalangin ay makikilala ang Diyos.
Ilang bilang ng mga batang may edad na 5-15 sa timog na bahagi ng India ay nasagip mula sa religious prostitution (sila ay pinapalahok sa sekswal na relasyon sa mga kalalakihan para sa kasiyahan ng kanilang mga diyos). Madalas na sasabihin ng komunidad na, “Maaari kayong pumarito, bigyan ng pagkain at edukasyon ang aming mga anak, ngunit hindi n’yo kailanman ibabahagi ang ebanghelyo.
Isang taon mula ng magsimula ang rescue program, ang 45 mga bata na wala nang mga ama dahil sa mga religious customs ay nakarinig na tungkol kay Jesus. Bawat umaga, gigising sila upang manalangin ng isang oras nang nakaluhod at ang kanilang mga kamay ay naka-angat. Kung maririnig mo ang kanilang mga panalangin, kadalasan ito ay: "Jesus, Jesus, Jesus, Jesus." Wala silang mga magarbo o komplikadong mga salita sa panalangin. Ang kanilang mga panalangin ay simple at taos-puso, ngunit makapangyarihan.
Ang mga batang ito ay nagsimulang mag-prayer walk sa kanilang mga baryo at magsasabi, "Jesus, pagpalain mo sila. Amen." Ang mga pamilya at mga pari ng templo ay nagsimulang makaranas ng mga supernatural na karanasan. Ngayon, imbes na pumunta sa kanilang mga diyos kapag kailangan nila ng panalangin sa mga kaarawan, libing, o para sa pagbili ng bisikleta, pumunta sila sa mga batang ito at humihingi ng panalangin. Sa loob ng apat na taon, sa walong baryo, ang prostitusyon ay bumaba sa mas mababa sa limang porsyento. Ang mga pari ng templo ay tumanggap kay Kristo at pinalitan ang pangalan ng bundok ng kanilang mga diyos at tinawag itong "Bundok ng Panalangin."
Ang panalangin ay maaaring magbago ng bawat henerasyon, campus, lungsod, pamilya, at maging ang iyong mga kaibigan. Ang susi upang makita ang pagbabago sa iyong people group ay ang magkaroon ng pananampalataya na kasing simple ng mga batang ito at ang paghahanap ng pagbabago habang tayo ay nakaluhod sa panalangin. Tuwing nakikipagkita ako sa mga Children House of Prayers mula sa iba’t ibang rehiyon ng mundo, naaalala ko ang dalawang bagay na palaging nagdadala ng pagkakasunduan:
Hindi ito tungkol sa magagarbong panalangin kundi sa patuloy na panalangin. Ang mga bata mula sa aming mga HOP ay nagtitipon araw-araw at lingguhan upang humiling at magtanong sa Panginoon para sa Kanyang gawain.
Ito ay tungkol sa pagiging simple ng kanilang mga puso. "Panginoon, huwag ang aking kalooban kundi ang Iyong kalooban." Maaari tayong lumapit sa Panginoon sa simpleng paghingi, "Ano ang mayroon ka para sa amin, Panginoon?"
Mga Puntong Panalangin:
Ipanalangin na pagnilayan ng Diyos ang isang malinis na puso sa iyo. Hilingin sa Kanya na pasiglahin ka ng isang matibay na espiritu.
Ipanalangin na ang iyong mga nais ay naka-align sa kalooban ng Diyos.
Ipanalangin ang pagbuhos ng Espiritu sa lahat ng henerasyon, lalo na ang mga anak na lalaki at babae.
Scripture
About this Plan

Halina't samahan ang mga mananampalataya sa buong mundo para sa sama-samang pananalangin para sa revival at spiritual awakening ng mga mag-aaral sa kolehiyo. Ang mga leader mula sa buong mundo ay nag-ambag sa gabay na ito, na magbibigay sa iyo ng isang kasangkapan para sa inspirasyon, pag-unawa, at paghihikayat upang mapasigla ang iyong mga panalangin. Makiisa sa pagdarasal kasama ang mga mananampalataya mula sa lahat ng mga bansa para sa loob ng 40 araw bago ang Collegiate Day of Prayer!
More
Related Plans

From Overwhelmed to Anchored: A 5-Day Reset for Spirit-Led Women in Business

No More Mr. Nice Guy: Saying Goodbye to Doormat Christianity

____ for Christ - Salvation for All

Engaging in God’s Heart for the Nations: 30-Day Devotional

Breaking Free From Shame

Small Yes, Big Miracles: What the Story of the World's Most Downloaded Bible App Teaches Us

Live Well | God's Plan for Your Wellbeing

Leviticus | Reading Plan + Study Questions

Filled, Flourishing and Forward
