Paglalakbay Tungo sa SabsabanHalimbawa

Ang Pagkakatawang-Tao
Ang pinakatanyag na bahagi ng obra maestra ni Michelangelo sa kisame ng Sistine Chapel ay tinatawag na Ang Paglikha kay Adan. Si Adan ay kumportableng nakaupo sa isang bato, habang ang Diyos ay nasa isang ulap at dali-daling iniaabot ang Kanyang daliri sa unang tao. Iniaabot din ni Adan ang Diyos at halos magtatagpo na ang kanilang mga daliri - pero hindi ito nagdidikit.
Tignan ang pagkakaiba ng larawang ito sa ganda ng pagkakatawang-tao: ang Diyos ay naging laman, hindi lamang para makalapit sa Kanyang nilikha, kundi para mamuhay bilang isa sa atin, ganap na tao at ganap na banal. Maaaring ang salitang “incarnation” ay tila pormal na salitang pang teolohiko, pero sa katunayan, ang salitang ito ang kumakatawan sa kamangha-manghang pagkakalapit.
Si Jesus ay naging sanggol, tapos bata, tapos binata, at naging isang ganap na lalaki - upang Siya ay maging malapit sa atin sa bawat paraang maaari. Walang kapantay ang sakripisyo na Kanyang ginawa.
Gawain: Maglaan ng oras mag-isa kasama ang kalikasan. Magmuni-muni kung paanong ang buhay ni Jesus sa lupa ang nagbigay sa Kanya ng pagkakataon na maintindihan ka sa katayuan mo.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Sa isang tahimik na gabi 2,000 taon na ang nakalilipas, ang mga anghel ay may dalang balita ng kapanganakan ng Tagapagligtas sa isang pangkat ng mga pastol na nangangalaga sa kanilang mga kawan. At matapos marinig ang balita, iniwan ng mga pastol ang lahat upang hanapin ng isang sanggol sa isang sabsaban sa Bethlehem. Sa mga nagdaang taon, ang imbitasyon ay hindi nagbago. Samahan si Dr. Charles Stanley habang tinutulungan ka niyang lumapit sa Tagapagligtas at hinihikayat ka niyang magkaroon ng oras upang magpahinga sa pag-ibig ng Ama sa panahong ito.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Krus at Korona

Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa Pasko

Noel: Ang Pasko ay Para sa Lahat

Bagong Taon, Mga Bagong Awa

Jesus: Ang Ating Watawat ng Tagumpay

Bakit Pasko ng Pagkabuhay?

Ang Araw-araw na Paghahanap sa Puso Ng Diyos - Karunungan

Paghahanap ng Kapayapaan

Pinili: Paalalahanan ang Iyong Sarili Tungkol sa Ebanghelyo Araw-araw
