Paglalakbay Tungo sa SabsabanHalimbawa

Emmanuel
Hindi alam ng mga propeta ng Lumang Tipan na ang mga salita nila ay mangyayari; itinala lang nila kung ano ang ipinakita sa kanila ng Espiritu ng Diyos. Kaya noong sinulat ni Isaias na, "Tingnan ninyo; ‘Maglilihi ang isang birhen at magsisilang ng isang sanggol na lalaki, at tatawagin itong Emmanuel.’" (Mateo 1:23; cf. Isaias 7:14 RTPV05), wala siyang ideya kung kailan ito magaganap.
Ang ibig sabihin ng Emmanuel ay “kasama natin ang Diyos.” Ang presensya ni Jesus sa lupa ay ang unang hakbang upang muling maitatag ang pagkakaibigan na nawala ng tao sa Hardin ng Eden. Ang buhay Niya ang personal na ekspresyon ng planong pagmamahal ng Diyos sa atin. Ngayon, maaari tayong magbunyi sa walang katulad na pagpapala habang nabubuhay sa katuparan ng pangakong ibinigay ng Panginoon sa mundo sa pamamagitan ni Isaias ilang libong taon na ang nakakalipas.
Gawain: Magpakasaya sa Kanyang presensya: Panoorin ang paborito mong pelikula tungkol sa Kapaskuhan at hingin sa Espiritu Santo na magpahayag Siya sa iyo ng bagong kaalaman tungkol sa natural na kaugalian ng Diyos gamit ito.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Sa isang tahimik na gabi 2,000 taon na ang nakalilipas, ang mga anghel ay may dalang balita ng kapanganakan ng Tagapagligtas sa isang pangkat ng mga pastol na nangangalaga sa kanilang mga kawan. At matapos marinig ang balita, iniwan ng mga pastol ang lahat upang hanapin ng isang sanggol sa isang sabsaban sa Bethlehem. Sa mga nagdaang taon, ang imbitasyon ay hindi nagbago. Samahan si Dr. Charles Stanley habang tinutulungan ka niyang lumapit sa Tagapagligtas at hinihikayat ka niyang magkaroon ng oras upang magpahinga sa pag-ibig ng Ama sa panahong ito.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Krus at Korona

Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa Pasko

Noel: Ang Pasko ay Para sa Lahat

Bagong Taon, Mga Bagong Awa

Jesus: Ang Ating Watawat ng Tagumpay

Bakit Pasko ng Pagkabuhay?

Ang Araw-araw na Paghahanap sa Puso Ng Diyos - Karunungan

Paghahanap ng Kapayapaan

Pinili: Paalalahanan ang Iyong Sarili Tungkol sa Ebanghelyo Araw-araw
