Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Paglalakbay Tungo sa SabsabanHalimbawa

Journey To The Manger

ARAW 2 NG 70

Si Jesus ang Ipinangako ng Diyos



Sunod-sunod na nagpahayag ang mga propeta tungkol sa pagdating ng Mesias. Karamihan sa mga nakagawian at kapistahan ng Israel ay anino ng mga kasangkapan ng Kanyang pagpapakita. Gayon pa man, sa paglipas ng bawat siglo, tila nagpatuloy lang ang buhay ng walang banal na pangakong gumambala. Ang mga sinabi ba ng Diyos sa Kanyang sambayanan ay mga pangakong walang kahulugan? Ang mga propeta ba ay nagkamali? Ang tao ba ay itinadhana na mamuhay na nakakadena sa kasalanan at pagkaalipin?



Hanggang sa isang araw na nagsimula katulad ng ibang araw, ang pananabik para sa isang banal na paggambala ay dumating sa pamamagitan ng isang sanggol na naparito para baguhin ang tadhana ng sanlibutan. Para sa lahat ng naghihintay pa rin para sa Kanya, dumating si Jesus ng tahimik at walang grupo ng mga tagahanga. Pero sa araw ng Kanyang kapanganakan, ang mundo ay nagbago nang matindi. Wala kahit kailan ang magiging kapareho nito muli.



Gawain: Pag-isipan ang iyong sariling patotoo. Itala kung paano nabago ang buhay mo noong tinanggap mo si Jesus. Ibahagi ito sa mga kapwa mananampalataya upang sila ay mahimok na magkaroon ng mas matinding pananampalataya.


Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Journey To The Manger

Sa isang tahimik na gabi 2,000 taon na ang nakalilipas, ang mga anghel ay may dalang balita ng kapanganakan ng Tagapagligtas sa isang pangkat ng mga pastol na nangangalaga sa kanilang mga kawan. At matapos marinig ang ba...

More

Nais naming pasalamatan ang In Touch Ministries sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: https://intouch.cc/yv18

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya