Ang Mamahinga: Isang Kautusan ng DiyosHalimbawa

Ikalimang Araw: Ang Imbitasyon ni Jesus
Mahilig tayo sa temporary escape in microdoses. Kaya nauso ang Take Five (limang minuto) at 15-minute power naps. Nag-uumpisa pa lamang makaramdam ng relaxation ang ating mga katawan ay back to work na muli.
Tulad ng Kanyang Ama, si Jesus ay nag-aanyaya rin sa atin na magpahinga. Sinabi Niya, “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha sa inyong pasanin, at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan” (Mateo 11:28, RTPV05).
Dalawang bagay ang napansin ni Jesus: 1. Mabigat ang ating pasanin, at 2. Tayo ay nahihirapan. Isipin mo kung saan natin madalas ihambing ang bigat ng ating pasanin? Sa krus o di kaya ay sa mundo! Kahit pa alam nating limitado ang ating kakayahan at maaari tayong bumigay sa hirap at pagod, iniiwasan pa rin nating humingi ng tulong o huminto at magpahinga. Tatanggi pa ba tayo ngayong si Jesus na mismo ang nagsasabing tayo ay lumapit sa Kanya dahil bibigyan Niya tayo ng napakahalagang pahinga?
Pinaaalala sa Mga Awit ito: “Pinapahimlay [ako ni Yahweh] sa luntiang pastulan, at inaakay niya sa tahimik na batisan. Pinapanumbalik ang aking kalakasan…” (23:2-3, RTPV05). Napakatahimik at nakakapawi ng pagod ang picture na ito. Talagang panahon na upang magpahinga!
Pag-isipan:
1.Ano ang mabigat mong pinapasan ngayon?
2.Isulat ang isang dasal tungkol sa hinihingi mong pahinga mula kay Jesus.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Naisip na ng Panginoon kung gaano kahalaga ang pahinga para sa Kanyang mga nilalang. Siya mismo ay namahinga bilang halimbawa natin at nagbigay ng isang kautusan upang tayo ay makapagpahinga ng sapat sa tamang oras.
More
Nais naming pasalamatan ang Mula sa Puso sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: luisacollopy.com