Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Mamahinga: Isang Kautusan ng DiyosHalimbawa

Ang Mamahinga: Isang Kautusan ng Diyos

ARAW 4 NG 5

Ikaapat na Araw: Ang Kautusang Mamahinga

Alam ng Diyos na hindi tayo titigil sa pagkayod o di kaya ay ang pahintulutang tumigil at magpahinga ang mga namamasukan sa atin, kung kinakailangan. Kaya bago pa natin abusuhin ang ating mga sarili at ang iba, isinama na ng Diyos sa Kanyang Sampung Kautusan ang pahinga para sa lahat. Sinabi Niya, “Lagi mong tandaan at ilaan para sa akin ang Araw ng Pamamahinga. Anim na araw kang magtratrabaho, at tapusin mo ang dapat gawin. Subalit ang ikapitong araw ay para kay Yahweh na iyong Diyos; ito ay Araw ng Pamamahinga. Sa araw na ito’y huwag magtrabaho ang sinuman sa inyo; kayo, ang inyong mga anak, mga aliping lalaki o babae, ang inyong mga alagang hayop, ni ang mga dayuhang nakikipamayan sa inyo. Anim na araw [akong lumikha]. Ngunit namahinga ako sa ikapitong araw” (Exodus 20:8-11, RTPV05).

Ang Araw ng Pamamahinga ay banal na araw. Hindi lamang ito para sa ating pisikal na pamamahinga. Ito ay panahon rin for one-on-one with God upang mapabuti natin ang ating relasyon sa Kanya. Bigyan ng oras ang ating mga puso at isip na makumpuni at mapuno ng kapayapaan ng Panginoon. Pag-aralan at pagmuni-munihan ang Kanyang Salita. Manalangin ng taimtim. Tanggapin ang spiritual recharging.

Huwag nating dayain ang ating mga sarili. Alam nating demanding ang buhay at ang ating lakas ay nauubos rin. Hindi ba’t magandang isipin na mayroon tayong kaginhawaan sa kanlungan ng Diyos?

Pag-isipan:

1.Kung ang mamahinga ay isa sa Sampung Kautusan ng Diyos, bakit hindi natin ito sinusunod? Ano ang masasabi mo tungkol sa paglabag rito ito at isang pagkakasala?

2.Ano ng iyong dahilan sa pagsuway sa kautusang ito?

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Ang Mamahinga: Isang Kautusan ng Diyos

Naisip na ng Panginoon kung gaano kahalaga ang pahinga para sa Kanyang mga nilalang. Siya mismo ay namahinga bilang halimbawa natin at nagbigay ng isang kautusan upang tayo ay makapagpahinga ng sapat sa tamang oras.

More

Nais naming pasalamatan ang Mula sa Puso sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: luisacollopy.com