Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Mamahinga: Isang Kautusan ng DiyosHalimbawa

Ang Mamahinga: Isang Kautusan ng Diyos

ARAW 3 NG 5

Ikatlong Araw: Ang Mabuting Halimbawa ng Diyos

Alam mo bang pagkatapos likhain ng Diyos ang lahat-lahat, kasama ang paglikha ng tao, sa loob ng anim na araw at Siya ay nasiyahan, ang Diyos ay nagpahinga sa ikapitong araw? Parang kataka-taka dahil alam naman nating unmatched ang superpowers Niya. Pero totoo ito! Sinabi sa aklat ng Genesis, “Pinagpala niya ang ikapitong araw at itinuring itong banal, sapagkat sa araw na ito siya nagpahinga matapos likhain ang lahat” (2:3, RTPV05).

Na-experience mo na bang mag-step back to admire the work of your hands? Kung baga sa isang pintor, pinagmasdan mo ang iyong obra maestra at nagsaya ka. Ganyan ang ginawa ng Diyos. Natapos Niya ang Kanyang paglikha and it was time to stop and see what He accomplished and savor the moment.

Pero bakit ba hindi tayo mapakali kung tayo ay panandaliang huminto sa ating paggawa at panandaliang magpahinga? Parang mayroong mali to have a little breathing space kaya kailangang maghanap agad ng pagkakaabalahan. Kaya lagi tayong pagod at stressed sa ating buhay, at hindi ma-enjoy ang ipinagkaloob sa atin ng Diyos.

Isang mahalagang paalala para sa Kanyang mga alagad: “Kung paanong nagpahinga ang Diyos sa ikapitong araw, mayroon ding kapahingahang nakalaan sa mga taong sumasampalataya sa Diyos, sapagkat ang sinumang makapasok at makapagpahinga sa piling ng Diyos ay magpapahinga rin sa kanyang paggawa, tulad ng Diyos na nagpahinga sa kanyang paglikha. Kaya’t sikapin nating makamtam ang kapahingahang iyon at huwag mabigong tulad ng mga hindi sumasampalataya” (Mga Hebreo 4:9-11, RTPV05).

Pag-isipan:

1.Bakit pinagpala ng Diyos ang ikapitong araw at inilaan sa pahinga?

2.Anong araw ang iyong pahinga?

Tungkol sa Gabay na ito

Ang Mamahinga: Isang Kautusan ng Diyos

Naisip na ng Panginoon kung gaano kahalaga ang pahinga para sa Kanyang mga nilalang. Siya mismo ay namahinga bilang halimbawa natin at nagbigay ng isang kautusan upang tayo ay makapagpahinga ng sapat sa tamang oras.

More

Nais naming pasalamatan ang Mula sa Puso sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: luisacollopy.com