Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Mamahinga: Isang Kautusan ng DiyosHalimbawa

Ang Mamahinga: Isang Kautusan ng Diyos

ARAW 1 NG 5

Unang Araw: Ang Abusuhin ang Ating Katawan

Isang sikat na artista ang nakaratay sa kama. Iniisip tuloy ng mga netizens kung nagkasakit ito dahil sa pagkayod upang kumita ng limpak-limpak. Totoo kayang nakuha nito ang lahat?

Ilan na ba ang nag-isip na hanggang kayang kumayod ay dapat kumayod? Madalas nating ipuhunan ang ating mga katawan, ang magpagod para kumita ng higit pa, upang maidadagdag sa gastusin sa bahay o bigyan-daan ang luho o di kaya ay makaipon for a rainy day. Ang problema sa pagpapagod ay tinatamaan tayo ng sakit. Kung ang mga makina ay kailangang i-shut down dahil masisira kung patuloy ang pagtakbo, tayo pa kaya?

Marami tayong pangangailangan sa buhay. Matutugunan lamang ito at makakamit ang lahat kung magpapakapagod ng husto. Iyan ang itinuturo ng mundo. Pero narito ang sinabi ni Jesus: “Kaya’t huwag kayong mag-alalang baka kayo kapusin sa pagkain, inumin o damit. Hindi ba’t ang mga Hentil ang nababahala tungkol sa mga bagay na iyan? Alam na ng inyong Ama na nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng iyan… Kaya nga, huwag ninyong ikabalisa ang para sa araw ng bukas; dahil ang bukas ang bahala sa sarili nito. Sapat na ang inyong mga suliranin sa bawat araw” (Mateo 6:31-32, 34, RTPV05).

Pag-isipan:

1.Paano makakaiwas sa pag-alala sa iyong pang-araw-araw na pangangailangan at maniwalang tutugunan nga ito ni Jesus?

2.Anong mga hakbang ang iyong gagawin upang itigil ang sobrang kayod at pang-aabuso sa iyong katawan sa pagpapagod?

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Ang Mamahinga: Isang Kautusan ng Diyos

Naisip na ng Panginoon kung gaano kahalaga ang pahinga para sa Kanyang mga nilalang. Siya mismo ay namahinga bilang halimbawa natin at nagbigay ng isang kautusan upang tayo ay makapagpahinga ng sapat sa tamang oras.

More

Nais naming pasalamatan ang Mula sa Puso sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: luisacollopy.com