Ang Mamahinga: Isang Kautusan ng DiyosHalimbawa

Ikalawang Araw: Kumayod o Mag Self-Care?
Napansin mo bang mahilig tayong magbigay ng payo tungkol sa self-care? Alam natin ang kahalagahan nito sa ating kalusugan. Pero isipin mong tayo ang mangailangan ng pahinga at mabilis pa sa alas cuatro nating sasabihin ito: “Naku! May deadline ako!” O di kaya ay, “Hayaan mo at kapag nakaluwag na ako, magpaplano ako ng bakasyon.”
Ultimong mga doctor ay humahanap na ng paraan upang makaiwas sa stress ngayon. Ang prescription tuloy ng isang doctor ay tigilan na ang pagiging martir sa trabaho. Mahilig kasi tayo sa excuse na kailangang magtiis hanggang sa dumating ang tamang panahon na maaari na tayong magpahinga. Kailan? Kung nagkasakit at nagkaroon na ng permanent disability? Dumating na sa mandatory retirement kaya napilitang huminto? Kung matanda at lulugo-lugo na?
Mababasa sa Mga Mangangaral: “Napakawalang kabuluhan! Napakawalang kabuluhan; lahat ay walang kabuluhan. Nagpapagod ka nang husto sa pagtratrabaho sa mundong ito. Ngunit para saan ba ang mga pagpapagod sa mundong ito?” (1:2-3, RTPV05). Reality check ito!
Pag-isipan:
1.Sa palagay mo, bakit sinabing walang kabuluhan ang pagpapagod?
2.Anong self-care ang iniisip mong subukan?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Naisip na ng Panginoon kung gaano kahalaga ang pahinga para sa Kanyang mga nilalang. Siya mismo ay namahinga bilang halimbawa natin at nagbigay ng isang kautusan upang tayo ay makapagpahinga ng sapat sa tamang oras.
More
Nais naming pasalamatan ang Mula sa Puso sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: luisacollopy.com