Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

ANG MGA HULING SALITA NI JESUS: Pitong Pagbubulay Para sa Mahal na ArawHalimbawa

ANG MGA HULING SALITA NI JESUS: Pitong Pagbubulay Para sa Mahal na Araw

ARAW 7 NG 7

IKAPITONG ARAW: HULING SALITA

Basahin: Marcos 15:33-41

Sumigaw nang malakas si Jesus, “Ama, ipinagkakatiwala Ko sa Inyo ang Aking Espiritu!”

[LUCAS 23:46]

Habang nasa bingit ng kamatayan si Martin Luther, ginising siya ng isang pastor at tinanong, “Mamamatay ka bang matatag ang pananampalataya kay Cristo at sa mga ipinahayag mo?” Sumagot si Luther, “Oo”. Pagkatapos nito, namatay siya. Isa itong kamangha-manghang paraan ng paglisan sa mundo. Umaasa akong magiging makahulugan din ang aking huling mga salita. Ayokong bawian ng buhay sa kalagitnaan ng isang pangungusap, na para bang nagtapos ang buhay ko sa isang walang saysay na salita. Gusto kong mamatay tulad ni Luther na may matibay na paninindigan sa pinahahalagahan niya nang higit sa lahat.

Ngunit paano naman ang huling mga salita ni Jesus? Ayon sa Aklat ni Marcos, “Muling sumigaw nang malakas si Jesus at nalagot ang Kanyang hininga” (Marcos 15:37). Sumasang-ayon ang alagad ni Jesus na si Mateo. Sinabi niya, “Muling sumigaw si Jesus, at pagkatapos ay isinuko ang Kanyang espiritu” (Mateo 27:50).

Ano kaya ang huling sigaw na ito? Isa ba itong sigaw ng tagumpay o ng matinding pagdadalamhati? Ipinahayag ba nito ang Kanyang matinding pagdurusa, o pagsisimula ng Kanyang pagtatagumpay?

Hindi natin kailangang manghula, dahil ipinaliwanag ito ni Lucas na lingkod ni Jesus. Sinabi ni Lucas, “Sumigaw nang malakas si Jesus, “Ama, ipinagkakatiwala Ko sa Inyo ang Aking espiritu!” (Lucas 23:46). Sinabi naman ni Juan na sinabi rin ni Jesus na ‘naganap na’. Pagkatapos, iniyuko Niya ang Kanyang ulo at isinuko ang Kanyang espiritu (Juan 19:30).

Isang masakit pero buong pagtitiwalang pagsuko sa Diyos ang huling sigaw ni Jesus. At dahil puno ng pagtitiwala sa Diyos Ama ang Kanyang huling mga salita, hindi iyon ang Kanyang katapusan. Binuhay muli ng Diyos si Jesus, ang Kanyang minamahal na Anak. Pinagtagumpayan ni Jesus ang kamatayan. At tulad ng Kanyang muling pagkabuhay, bubuhayin muli ng Diyos ang lahat ng magtitiwala sa Panginoong Jesus. —MIKE WITTMER

Ano ang nais mong maging huling mga salita? Isulat mo ito upang mabasa ng iyong mga mahal sa buhay kapag wala ka na. Paano mo maisasabuhay ang kahulugan ng mga salitang ito sa iyong buhay ngayon?

Diyos Ama, sa Iyong mga kamay ipinagkakatiwala Ko ang Aking Espiritu—ngayon at magpakailanman.

Salamat sa pagsama sa amin sa nakalipas na pitong araw!

Nais mo bang ipagpatuloy ang pagsasaliksik tungkol sa pag-ibig ni Jesus? Tuklasin ang pang araw-araw na inspirasyong hatid ng Our Daily Bread Ministries, ang iyong kaibigan tungo sa panghabambuhay na pagbubulay ng Salita ng Diyos.

Bisitahin ang aming website upang makatanggap ng pagkaing espirituwal sa iyong email. https://odb.org/subscription/philippines/

Banal na Kasulatan

Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

ANG MGA HULING SALITA NI JESUS: Pitong Pagbubulay Para sa Mahal na Araw

Habang nakapako sa krus, sinambit ni Jesus ang pitong mga kataga. Ngunit hindi lamang ito mga simpleng salita. Kapahayagan ang bawat isa sa mga ito ng pag-asa, kapatawaran, at kaligtasang maaari nating makamit kung magtitiwala tayo kay Jesus. Ating tuklasin ang lalim ng pag-ibig ng Diyos para sa atin.

More

Nais naming pasalamatan ang Our Daily Bread Ministries - Asia Pacific sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: odb.org