Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

ANG MGA HULING SALITA NI JESUS: Pitong Pagbubulay Para sa Mahal na ArawHalimbawa

ANG MGA HULING SALITA NI JESUS: Pitong Pagbubulay Para sa Mahal na Araw

ARAW 4 NG 7

IKAAPAT NA ARAW: HINDI PINABAYAAN KAILANMAN

Basahin: Mateo 27:45-50

Sumigaw si Jesus nang malakas, “Eloi, Eloi, lema sabachtani?” na ang ibig sabihin ay “Dios ko, Dios ko, bakit mo ako pinabayaan?” [MATEO 27:46]

Nang malapit nang pumanaw ang lolo ko, bumisita ako sa kanya para magpaalam. Tahimik ang pasilyo, at malamig ang pakiramdam sa kanyang silid. Amoy suka at kalamansi ang buong lugar. Hindi pa ako nakasaksi ng isang taong nalagutan ng hininga. Pero, narinig ko ang kamatayan sa malalim at mabagal niyang paghinga. Nakita ko rin ang panghihina sa kanyang mga mata. Gusto kong magpaalam. Hindi ko man alam kung naririnig niya ako, gusto kong malaman niyang hindi siya nag-iisa sa sandaling iyon.

Wala nang mas sasakit pa sa pakiramdam ng pag-iisa sa mga huling sandali ng iyong buhay. Ngunit, ito mismo ang dinanas ni Jesus. Mula sa krus, sumigaw Siya: “Diyos Ko, Diyos Ko, bakit Mo Ako pinabayaan?” (Mateo 27:46). Bukod sa pagpapahayag ng Kanyang kalagayan, isinigaw Niya ang hinagpis ng buong sangkatauhan. Hindi iyon simpleng bulalas lamang, kundi isa sa mga panalangin ng Israel (Salmo 22:1). At sa pagsambit Niya ng takot ng Kanyang bayan na baka iwan sila ng Diyos, sinalamin din ni Jesus ang ating pangamba sa mga sandali ng ating kawalan ng pag-asa. Mga sandaling pakiramdam natin, iniwan tayo ng Diyos.

Ngunit dahil sa panaghoy ni Jesus at sa Kanyang pagkabuhay na mag-uli, matatagpuan natin ang sagot sa ating paghihinagpis. Maaaring pakiramdam natin pinabayaan tayo ng Diyos. Pero, ipinapakita ni Jesus ang katotohanang kasama natin ang Diyos. Kahit sa pinakamadilim na lambak ng kamatayan, hindi Niya tayo kailanman iiwan. —WINN COLLIER

Kailan mo naramdaman na parang pinabayaan ka?
Paano ka kinatagpo ng Diyos sa sandaling iyon?

Diyos ko, hindi po kaila sa akin ang pakiramdam na pinabayaan. Pero dahil sa Iyo, alam ko pong kailanman hindi ako nag-iisa.

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

ANG MGA HULING SALITA NI JESUS: Pitong Pagbubulay Para sa Mahal na Araw

Habang nakapako sa krus, sinambit ni Jesus ang pitong mga kataga. Ngunit hindi lamang ito mga simpleng salita. Kapahayagan ang bawat isa sa mga ito ng pag-asa, kapatawaran, at kaligtasang maaari nating makamit kung magtitiwala tayo kay Jesus. Ating tuklasin ang lalim ng pag-ibig ng Diyos para sa atin.

More

Nais naming pasalamatan ang Our Daily Bread Ministries - Asia Pacific sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: odb.org