Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang PanataHalimbawa

The Vow

ARAW 6 NG 6

Ang Panata ng Panalangin

Si Jason at si Kristy ay matalik na magkaibigan na 10 taon nang kasal. Madalas silang nasa daan kasama ng kanilang aso at apat na mga anak, nakikipagsapalaran sa katubigan, kabundukan, at sa pamilya. 

Kristy:

"Banal na Espiritu inaanyayahan Ka namin sa pagsasamang ito. Kailangan Ka namin sa pagsasamang ito. Inaanyayahan Ka namin sa aming buhay may-asawa, sa aming ganap na pagiging isa, at sa aming bagong buhay pagbalik namin sa aming tahanan nang magkasama." Ang lahat ay nakaplano noong araw ng aming kasal. At ang aking bagong asawa ay may ginawang hindi planado. Ibinulong niya itong biglaang dasal sa altar. Hindi ko alam kung paanong ang panalanging ito ay tatakbo sa oras at mga sitwasyon upang magbigay ng mas lubos na kalayaan at biyaya nang higit pa sa aming inakala. Dito sa mga sandaling ito, tuwing nalalaman natin ang kapangyarihan ng panalangin, doon tayo lalong nagkakaroon ng inspirasyon na buong kababaang loob itaas ang mga prayoridad at pasasalamat natin sa Diyos. 

Mas nananalangin ako, mas napagtatanto kong hindi karaniwang dinadala ng Diyos ang buhay natin sa eksaktong direksyon ng ating panalangin. Gayunpaman, mas manalangin ka, mas makasisigurado kang gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti mo sa paggalaw Niya sa kaibuturan at pamamagitan ng iyong buhay. Ang pagpapasyang manalangin—magkasama o magkahiwalay—hindi makapagpapadali o makapagpapawalang bahid ng inyong pagsasama, ngunit gagawin itong buo. Halos sampung taon sa aming buhay may-asawa, tunog ganito ang aming panalangin, “Diyos namin, ano ang Iyong layunin para sa aming pagsasama?” 

Jason:

Kagaya ng nabanggit ni Kristy, ipinanata kong isama ang panalangin sa aming kasal noong una pa lang. Ngunit, halos lahat sa aking panalangin ay puno ng impormasyon para sa Diyos. “Aming Diyos, tila pinahihirapan ako ni Kristy ngayon,” o, “Tila bugnutin ako ngayon. Maaari Ka bang tumulong?” O kaya'y, “Hinihika ang mga bata, kailangang maipaayos ang bahay, kailangan ng van namin ng mekaniko, at mahirap ang pera ngayon, aking Diyos. Alam Mo ba iyon?” Huwag magkamali, pinasasalamatan ko rin Siya sa mga bagay-bagay, ngunit kahit ang mga pagpapasalamat ko ay puno rin ng impormasyon. “Panginoon, itong bagay na ito at iyong proyekto at ang relasyong ito ay gumaganang maayos—salamat doon.” Alam mo ba kung anong aking napagtanto? Ang panalangin ay malayo sa pagbibigay kamalayan mo sa Diyos ng iyong buhay, at malapit sa pagbibigay sa iyong buhay ng iyong kamalayan sa Diyos. Kaya nga, ngayon ay nananalangin ako na ang aking buhay may-asawa, aking pamilya, aking trabaho, at kahit pa aking mga ginagawa ay may kamalayan sa Diyos. Sinasabi ko pa rin sa Diyos ang nangyayari sa aking buhay sapagkat kami ay malapit sa isa't-isa at nais kong ibahagi ang aking buhay sa Kanya. Ngunit ngayon sa tuwing ako'y nananalangin, hinahayaan ko rin ang Kanyang katotohanan, Kanyang presenya, at ang Kanyang pag-ibig na mangusap sa aking buhay kung sino Siya. Paano? Sa pakikinig. Sa susunod na ikaw ay manalangin, maglaan ng oras sa pakikinig kagaya ng iyong pagsasalaysay. At maglaan ng maraming mga salita sa ikararangal Niya kagaya ng mga ipinapaalam mo sa Kanya. 

Panalangin: Kung ikaw ay may-asawa, manalangin ka kasama ng iyong asawa nang may tinig at magpasya kung kailan kayo muling mananalangin. Kung ikaw ay walang asawa, ngayon ang tamang oras na ang panalangin ay gawing parte ng iyong buhay. 

Magbasa ng iba pang mga maka-Diyos na pananaw sa kasal, pagtatalik, pakikipagtipan at pag-iisa.

Tungkol sa Gabay na ito

The Vow

Sa Gabay sa Bibliang ito ng Life.Church, anim na pares ng mag-asawa ang sumulat tungkol sa anim na panata sa kasal na hindi nila opisyal na sinabi nang sila ay nasa altar. Ang mga panatang ito ng paghahanda, prayoridad, pagtataguyod, pakikipagtulungan, pagkadalisay, at panalangin ay ang mga panatang kailangan upang magpatuloy ang pagiging mag-asawa kahit matagal nang tapos ang kasalan. Ikaw man ay kasal na o pinag-iisipan ito, panahon na upang gawin ang panata.  

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/