Ang PanataHalimbawa

Ang Panata ng Prayoridad
Si Jonathan at Si Michelle ay 10 taon nang kasal at dama nila na sila ay nasa pinakamainam habang pinagsisilbihan ang iba at nakikipagtawanan kasama ang nakapalibot na mga kaibigan.
Jonathan:
“Huwag kang sasamba sa ibang diyos, maliban sa akin”
Tila simple. Hindi ko sinasamba ang ibang diyos ng ibang relihiyon. Syempre, hindi ako yumuyukod sa isang gawa-gawang makapangyarihang kataas-taasan o sumunod sa mga turo ng ibang pananampalataya. Tama. Ang utos na iyon sa akin ay nakakandado. At ano naman ang magagawa nito sa isang kasal?
Huwag masyadong mabilis. Subukang basahin ito nang ganito, “huwag kang magkakaroon ng ibang bagay o ng ibang tao bukod sa akin.” Mga bagay na madali kong mailalagay higit kay Cristo: kasal ko, trabaho ko, mga anak ko, kalusugan ko, at marami pa. Lahat ng mabubuting bagay. Hanggang alisin nila ang Diyos mula sa pinakatuktok. Sila'y mga diyos. Ito ang aking napagtanto: kapag ang hinihingi ng mundo ay tila napakalaki, madalas ito ay dahil may inuna akong bagay o tao bago ang Diyos.
Ang walang ilagay bago kay Cristo ay mahirap, ngunit para sa iyong ikabubuti. Kapag ang mga prayoridad mo ay nakaayos—una ang Diyos at pangalawa ang pag-aasawa—hindi lang basta katiwasayan ang mayroon sa isang pagsasama, mayroon ding malalim na kapayapaan, kaginhawahan, at espirituwal na kumpiyansang mayroon ka na hindi mahihinto.
Michelle:
Kadalasan, natatagpuan ko ang sarili kong hindi sinasadyang mapalitan ang Diyos bilang #1 at si Jonathan bilang aking #2 kasama ng iba pang mga bagay dahil lamang sa hindi malinaw na mga prayoridad! Kahit na ang mga paborito kong libangan ay mas inuna ko pa!
Ang unahin ang Diyos ay nangangahulugan ng laang oras kasama Siya, pagbabasa ng Kanyang Salita, ang hanapin muna Siya higit sa iba. Sa lahat! Ngunit hindi lamang ako ang naaapektuhan nito. Tuwing ang mga prayoridad ko ay mali, ang mga kailangan ko'y hindi ko nakakamit, at sa huli ay umaasa ako kay Jonathan para makuha ang mga iyon. Sa madaling salita, nakikiusap ako sa kanya na unahin ako. Iyon ay simpleng hindi makaturangan. Tanging ang Diyos lang ang makakapuno ng aking mga pangangailangan. Salamat, ako'y natututo at muling natututunang ang aming pagsasama ay maaaring maging mas matatag kagaya ng katatagan ko sa Panginoon. At ang unahin ang Diyos ang tanging paraan para magawa iyon!
Panalangin: Diyos ko, ano po ang aking una? Pangalawa? Pangatlo? Ibibigay mo ba sa akin ang lakas para mapag-usapan at gumawa ng mga desisyon na kailangan ko upang maiayos ang aking mga prayoridad? Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Sa Gabay sa Bibliang ito ng Life.Church, anim na pares ng mag-asawa ang sumulat tungkol sa anim na panata sa kasal na hindi nila opisyal na sinabi nang sila ay nasa altar. Ang mga panatang ito ng paghahanda, prayoridad, pagtataguyod, pakikipagtulungan, pagkadalisay, at panalangin ay ang mga panatang kailangan upang magpatuloy ang pagiging mag-asawa kahit matagal nang tapos ang kasalan. Ikaw man ay kasal na o pinag-iisipan ito, panahon na upang gawin ang panata.
More