Ang PanataHalimbawa

Ang Panata ng Pakikipagtulungan
Kasal ng 17 taon, si Michael at si Shelley ay magkasamang nagtatrabaho, magkasamang naglalaro, magkasamang kumakain, magkasamang nagmamahal, at magkasamang naging magulang sa tatlong mga anak na babae. Ang tingin nila sa buhay may-asawa ay pagsasama ng “iisang laman.” Ngunit hindi palagiang ganoon.
Shelley:
Bago pa lang kaming mag-asawa, kinatatakutan ko na ang panahon ng futbol. Nanaisin ni Michael na matuwa ng isang araw sa futbol habang nakikita ko ang Sabado bilang “honey do” na araw. Matapos ang maraming panahon ng futbol na ako'y nabibigo, nagpasya akong manalangin. Nais ko lang naman na gawin rin ng asawa ko ang mga nais kong gawin (makasarili, alam ko). Tinulungan ako ng Diyos sa ganitong pag-iisip, “Mamahalin mo rin ba ang kung anong mahal niya?” Ang futbol tuwing Sabado ay naging “aming” gawain. Ano ang sumunod na nangyari? Sinimulan ni Michael na patigilin sandali yung laro upang tulungan ako sa mga proyekto ko. Ipinabatid sa aking ng Diyos na hindi ko pala itinuturing ang aking asawa bilang katuwang. Sa totoo lamang, ni hindi ko naiintindihan ang pakikipagtulungan. Ngayon, ang aming pagsasama'y naging mas matatag. Kami ay iisang laman—tatlong hibla na hinding-hindi masisira. At iyan ay dahil natutunan naming mahalin ang isa't-isa sa pagmamahal namin sa hilig ng bawat isa.
Michael:
Si Shelley at ako ay matagal nang magkatuwang, kaya madali ko siyang mapabayaan. Minsan pakiramdam ko ay ako lang ang gumagawa ng lahat habang sumasabay lang siya sa aking mga galaw. (Alam ko, alam ko.) At sa tuwing iniisip ko iyon, tingin ko ay nararamdaman niya rin iyon laban sa akin. Nito lamang, umalis siya ng isang linggo upang pumunta sa ibang bayan, at ang lahat ng kuro-kurong ako ang nagsisimulang bumuwelo ay naalis kasama siya. Ang sumubok lang mag-ayos ng buhok, magbalot ng pagkain, magtimpla ng kape, at ihatid ang mga bata sa bus—mga bagay na ginagawa namin nang magkasama—ay labis-labis. Lumipas na ang 17 taon, at natututunan ko pa rin na may mga magkaiba kaming kalakasan sa pagsasamang ito. Ang bawat kalakasan niya ay pinupuno ang mga kahinaan ko, at gayon din ang akin sa kanya. Kami ay naaangkop. Kaming dalawa ay nagiging “isang laman.” Hindi dahil sa kinukumpleto niya ako. Tanging Diyos lang ang may kaya niyon. Ngunit, kasama Siya, kami ay dalawang kumpletong indibiduwal na pinapanday sa apoy ng aming mga hilig at kagipitan patungo sa isang bagong bagay. At, maniwala ka sa akin, mas mabuti kaming magkasama.
Manalangin: Panginoon, tulungan mo akong makita ang buhay may-asawa bilang pagsasama ng aming mga hilig, dalawa na nagiging isa. Tulungan mo akong huwag tumingin sa sarili kong mga pagnanais o sa aking asawa bilang aking kapunuan, ngunit Sa'yo lamang. Tulungan mo akong magtungo sa aking pagiging may-asawa, handa sa pakikipagtulungan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Sa Gabay sa Bibliang ito ng Life.Church, anim na pares ng mag-asawa ang sumulat tungkol sa anim na panata sa kasal na hindi nila opisyal na sinabi nang sila ay nasa altar. Ang mga panatang ito ng paghahanda, prayoridad, pagtataguyod, pakikipagtulungan, pagkadalisay, at panalangin ay ang mga panatang kailangan upang magpatuloy ang pagiging mag-asawa kahit matagal nang tapos ang kasalan. Ikaw man ay kasal na o pinag-iisipan ito, panahon na upang gawin ang panata.
More