Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang PanataHalimbawa

The Vow

ARAW 3 NG 6

Ang Panata ng Pagpupursigi

Si Ryan at si Ashia ay "High School sweethearts". Matapos ang tatlong taon na pagiging magnobyo, sa wakas ay ikinasal na sila limang buwan lamang bago maisulat ang debosyonal para sa araw na ito tungkol sa panata ng pagpupursigi!

Ryan:

Ang unang bagay na kinailangan kong matutunan sa isang pag-aasawa ay ang pagpupursigi ay hindi natatapos sa altar. Palagi kong sinasabi sa sarili ko sa aking paglaki na hindi ako kailanman magiging tutok sa trabaho nang hindi na nagbibigay ng oras sa pamilya. Hindi ko napagtanto kung gaano kadaling mahulog sa ganoong patibong. Ilang linggo pa lamang nang kami ay ikasal, kinailangan kong matutunan na huwag dalhin ang mga pagkabigo ko sa trabaho, mga dapat gawin, o kahit pa ang aking kompyuter. Nagsimula akong manalangin habang nasa daan pauwi para sa tulong ng Diyos na pabagalin at sadyaing ilihis ang aking isip at puso mula sa trabaho patungo sa aking asawa. Ang pagkalito sa asawa at trabaho—ay hindi maaari. Mas madali pang sabihin sa aking sarili, “Ang asawa ko ay parating narito. Kailangan kong magbigay ng sobra sa trabaho upang matamasa ko siya mamaya.” Ngunit kung anuman ang gawin mong kayamanan at pagpursigihan ngayon ay doon ka babagsak sa huli. Itinuro sa atin ni Jesus sa Mateo 6:21 na kung saan naroon ang iyong kayamanan, naroon din ang iyong puso. Ang Panata ng Pagpupursigi ay tungkol sa pagkilala kung nasaan ang iyong kayamanan at hindi kailanmang pagsuko sa paghanap noon. 

Ashia:

Para kay Ryan at sa akin, kalakip ng kasal ang itinayong pananagutan na panatilihin ang aming puso na magpursigi sa Diyos, parati. Palagian naming hinahamon ang isa't-isa upang palaguin ang pag-ibig at pagnanasa namin para sa Diyos at sa Kanyang salita. Bilang resulta, ang pagnanais kong pagpurisigihan si Ryan ay tumataas. Gayundin, nakikita ko ang puso niyang bukas na may malasakit at simbuyo para sa akin. Ang panatang ito para magpursigi sa Diyos, matapos ay sa isa't-isa, ay nagpainam sa aming relasyon at pagsasama.

Tunog perpekto, hindi ba? Kung gayon, ilang buwan lamang ang lumipas bago namin mapagtantong kulang kami sa ganitong kainaman. Natagpuan ko ang sarili kong nais na pagpursigihan si Ryan sa pamamagitan ng pagsubok na tugunan ang lahat ng pangangailangan niya sa sarili kong lakas. Matapos noon, bumaling ako sa kabilang direksyon, sinubukan kong alagaan ang sarili ko lamang. Itong pabalik-balik na ito ay maaaring maging masakit at walang katapusan hanggang sa maalala ko ang hamon namin na magpurisigi muna sa Diyos. Ang katotohanan, kapag nagpursigi kami sa Diyos, bilang balik ay nililikha Niya ang pagnanais kong magsilbi at pagpursigihan si Ryan. At tuwing pinagkakatiwalaan ko ang Diyos at si Ryan, natatagpuan kong ang mga pangangailangan ko ay nakakamit. Ito ay magkaagapay na uri ng pagpupursigi. Halaw kay Apostol Pablo mula sa Mga Taga-Filipos 1:27, si Ryan at ako ay matibay na nakatayo sa iisang Espiritu, nang may iisang pag-iisip na pagsikapan nang magkaagapay para sa pananalig sa ebanghelyo. Paanong ang lahat ng pagpupursiging ito ay mainam na gawin? Dahil una tayong pinagpurisigihan ng Diyos. 

Magplano ng isang bagay: Kung ika'y may asawa, magplanong lumabas magkasama, isang tanghalian, o kahit ng pag-uusap upang muling buhayin ang pagpupursigi. Kung wala ka pang asawa, isulat kung anong nais mong pagpupursigi sa Diyos at sa isa't-isa sa iyong pag-aasawa.  

Tungkol sa Gabay na ito

The Vow

Sa Gabay sa Bibliang ito ng Life.Church, anim na pares ng mag-asawa ang sumulat tungkol sa anim na panata sa kasal na hindi nila opisyal na sinabi nang sila ay nasa altar. Ang mga panatang ito ng paghahanda, prayoridad, pagtataguyod, pakikipagtulungan, pagkadalisay, at panalangin ay ang mga panatang kailangan upang magpatuloy ang pagiging mag-asawa kahit matagal nang tapos ang kasalan. Ikaw man ay kasal na o pinag-iisipan ito, panahon na upang gawin ang panata.  

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/