Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang PanataHalimbawa

The Vow

ARAW 5 NG 6

Ang Panata ng Kadalisayan

Nang si James ay makilala si Mandy, alam niyang siya na. Si Mandy … hindi ganoong lubos. Gayunpaman, ang taon ng pagkakaibigan ay naging magandang pagsasama. Taon patungo sa kasal, ipinagpapalagay nila ang kadalisayan bilang isa sa mga mahahalaga nilang pangako .

Mandy:

Lumaki ako sa simbahan, kaya nang ako ay bata pa, lahat ng aking mga kaibigan ay pinag-uusapan ang tungkol sa kadalisayan. Dalisay na mga singsing ang sikat noon. Ipinagpalagay ko na ang kadalisayan ay isang bagay na hindi pagbibigay ng iyong katawan sa isang lalaki. Para sa akin, ibig sabihin ay bawal ang halik o anupaman bago ang kasal. Sa tingin ko ay marami ring mga tao na ang pagtingin rin ay sa ganoong kaparaanan. Tungkol lamang ito sa hindi paggawa ng mga bagay ng pisikal. Mula noon, natutunan kong mas higit pa ito roon. Ang kadalisayan ay tungkol sa iyong puso. 

Ang kadalisayan ay hindi tungkol sa hindi paggawa ng isang bagay, at mas higit tungkol sa paggawa ng isang bagay. Nang si James at ako ay nagkakatipan, imbis na umiwas lamang kami sa isang bagay, pinili naming mapursigi muna kay Cristo. Kung tunay mong hinanap ang Diyos nang buong puso, pinananatili ka Niyang dalisay. Ngayong kami ay kasal na, nananatili kaming dalisay. Ngunit hindi ibig sabihin noo'y kami ay nagpipigil! Hinding-hindi ko malilimutan ang isang sandali sa aming pag-iisa. Puno ng damdamin, aking nabatid kung gaano kabanal ang kasal. Tumingin ako kay James, at ang sabi ko'y, “Nakuha ko na, higit pa kailanman. Ang pagpili sa kadalisayan ay lubos na may kabuluhan.” Kaya naman, kahit na nakagawa ka ng mga maling bagay, maaari mo pa rin piliin ang kadalisayan dahil ang kadalisayan ay tungkol sa pagpupursigi mo kay Cristo nang buong puso. Ipinapangako ko sa'yo—ito'y labis na makabuluhan. 

James:

Hindi kagaya ni Mandy, hindi ako lumaki sa simbahan. Ang kadalisayan ay isang malaking hamon. Sa aking pagkabinata ay nagkaroon ako ng hindi magandang pagtingin sa mga babae at mapaminsalang relasyon sa pornograpiya. Nang ako'y makapagtapos ng pag-aaral sa sekondarya, ibinigay ko ang aking buhay kay Jesus. Alam kong nais kong mapakasalan ang isang tao na nagpupursigi kay Jesus nang lahat ng mayroon siya. Nalaman ko rin na ang makahanap ng ganoong babae ay nangangahulugang kakailanganin kong magpursigi kay Jesus nang may pagsunod Kaya naman, binago ko ang setting ng aking telepono kung saan makapasok lamang ito sa mga pahinaryang kakailanganin ko sa trabaho . Gayon din, may malapit akong kaibigan na nagungumusta sa akin. Ang aking pastor, si Craig Groeschel, na maganda ang pagkakasabi, “Bakit mo pipigilan ang isang tukso bukas na maaari mo namang maalis ngayon?” Sa taon ng aming pagsasama, Nabatid ko at ni Mandy na ang panata ng kadalisayan ay nananatiling mahalaga ngayon kagaya noong bago pa lamang kaming magkakilala. At katulad nga ng sinabi ni Mandy, ito ay makabuluhan. 

Sabihin sa iba: Kung pinagsisikapan mo ang kadalisayan kasal ka man o hindi, ngayon ang araw na maging bukas ka sa mga taong iyong minamahal at iginagalang. Ang kahihiyan ay lumalago sa dilim, ngunit pinalaya ka na ng liwanag ng mundo!
 

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

The Vow

Sa Gabay sa Bibliang ito ng Life.Church, anim na pares ng mag-asawa ang sumulat tungkol sa anim na panata sa kasal na hindi nila opisyal na sinabi nang sila ay nasa altar. Ang mga panatang ito ng paghahanda, prayoridad, pagtataguyod, pakikipagtulungan, pagkadalisay, at panalangin ay ang mga panatang kailangan upang magpatuloy ang pagiging mag-asawa kahit matagal nang tapos ang kasalan. Ikaw man ay kasal na o pinag-iisipan ito, panahon na upang gawin ang panata.  

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/