Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagsasanay sa DaanHalimbawa

Practicing the Way

ARAW 5 NG 5

PASANIN ANG IYONG KRUS

Ikaw ba ay nagnanais sumunod kay Jesus?

Hindi lahat ay gusto ito.

Basahin ang Ebanghelyo: Libo-libong tao ang nahikayat na lumapit kay Jesus, ngunit ilang daan lang ang naging aprentis Niya.

Marami ang tunay na naakit kay Jesus (paano ka hindi maaakit sa Kanya?), ngunit hindi sila handang mangako ng isang buhay ng pag-aaprentis. Gumawa sila ng mga dahilan tulad ng “Hayaan mo muna akong umalis at ilibing ang aking ama” (Lucas 9:59). Ito ay isang unang-siglong paraan ng pagsasabing, “Hayaan akong maghintay hanggang sa mamatay ang aking mga magulang para makuha ko ang mana ng pamilya at maging mayaman sa sarili; tapos susundan kita.” Isa pang dahilan? “Susundan kita, Panginoon, ngunit hayaan mo muna akong bumalik at magpaalam sa aking pamilya” (talata 61). Ibig sabihin, bigyan mo pa ako ng kaunting oras bago ako magtalaga ng buhay ko.

Iyan ang ginagawa ng marami sa atin: Nagpapaliban tayo, antras-abante tayo, gumagawa tayo ng mga dahilan. Tulad ng pagda-diet o pagpapahubog o pag-aayos ng ating aparador, ipinagpapaliban natin: "Gagawin ko ito mamaya." Ngunit ang ibang pagkakataon ay bihirang dumating.

At ano ang sinabi ni Jesus? “Hayaang ilibing ng mga patay ang kanilang sariling mga patay” (talata 60).

Mukhang hindi maganda iyon sa ating mga modernong tainga, ngunit hindi naman talaga; ito ay tapatang pagsasalita lamang. Sinasabi ni Jesus, “Magagawa mo iyan, ngunit kung pipiliin mo ang landas na iyon, aakayin ka nito sa kamatayan, hindi sa buhay.”

Kung makikita mo, si Jesus ay hindi namamalimos o nagmamanipula o nang-aapi. Ang pamimilit ay hindi bunga ng Espiritu. Hindi siya namimilit o nagbebenta ng kung anuman; nag-aanyaya lang Siya. At kapag ang mga tao ay nag-atubili o gumawa ng mga dahilan. . .

Hinayaan Niya silang maglakad palayo.

Naiisip mo ba ang pagsasabi ng hindi sa imbitasyon ni Jesus?

Kaya ko.

Kung mabubuhay ka nang matagal, hindi mo maiiwasang tanggihan ang isang imbitasyon na pagsisisihan mo sa huli. Nangyari na ito. Sa kabutihang palad, mga ilang pagkakataon lamang sa aking buhay sa ngayon kung saan, sa pagbabalik-tanaw, talagang napalampas ko ito. Pero hanggang ngayon, kapag naiisip ko sila, nalulungkot ako sa mga desisyon ko.

Mayroon kang imbitasyon bago ka maging isang aprentis ni Jesus.

Ano ang sasabihin mo?

Anong mga imbitasyon ang nararamdaman mong ginagawa ni Jesus sa iyong puso at buhay? Napukaw ba ng Espiritu ni Jesus ang iyong puso tungo sa isang bagay? Nasunod mo na ba? Ano ang maaari mong gawin ngayon upang sabihin ang oo sa mga imbitasyon ni Jesus?

Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Practicing the Way

Nagiging sino ka ba? Kung makikita mo ang iyong sarili sa edad na 70, 80, o 100, anong uri ng tao ang makikita mo sa hinaharap? Ang pag-iisip mo ba ay nagbibigay sa iyo ng pag-asa? O takot? Sa debosyon na ito, ipinakikita sa atin ni John Mark Comer kung paano tayo mahuhubog sa espirituwal upang maging higit na katulad ni Jesus araw-araw.

More

Nais naming pasalamatan ang John Mark Comer Teachings Practicing the Way sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: https://practicingtheway.org