Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagsasanay sa DaanHalimbawa

Practicing the Way

ARAW 3 NG 5

LAYUNIN #2: MAGING KATULAD NIYA

Para kay Jesus, ang punto ng pag-aaprentis ay ang makasama Siya para maging katulad Niya. Nakikita natin ito sa sinabi ni Jesus: “Ang aprentis ay hindi mas mataas sa rabbi, ngunit ang bawat isa na ganap na sinanay ay magiging katulad ng kanilang rabbi” (tingnan ang Mateo 10:24). Ang mga aprentis ni Jesus ay yaong mga nakilahok para sa programang ito ng pagsasanay, na sinasadyang ayusin ang kanilang buhay sa layunin ng espirituwal na paglago at kapanahunan.

(Ang mga hindi aprentis ni Jesus ay yaong sinasadyang ayusin ang kanilang buhay sa anumang ibang bagay.)

Ang proseso ng paglago at pagbabago ay tinatawag na "espirituwal na paghubog." Ang espirituwal na paghubog ay hindi isang bagay na pang-Cristiano lang; ito ay pangsangkatauhan.

Ang pagiging tao ay ang patuloy na pagbabago. Relihiyoso man tayo o hindi, tayo ay lumalago, umuunlad, nagkakawatak-watak, at muling nabubuo. Hindi natin ito mapipigilan; ang kalikasan ng kaluluwa ng tao ay nagbabago, hindi permanente. Ito ang dahilan kung bakit nagpapakita tayo ng mga kakatwang larawan ng teenager sa mga kasalan at mga larawan noong kasal sa mga libing—lahat tayo ay nabibighani sa prosesong ito ng pagbabago.

Kaya ang tanong ay hindi, Nabubuo ka ba?

Ang tanong ay, Sino o ano ang nagiging anyo mo?

Ang espirituwal na paghubog sa Daan ni Jesus ay isang proseso na matagal nang tinatawag ng mga monghe na imitatio Christi, o “ang pagiging katulad ni Cristo.” Nilalayon ng Ama na tayo ay “maging katulad ng larawan ng kanyang Anak” (Mga Taga-Roma 8:29). Kamangha-mangha, habang nangyayari ito, tayo ay nababago tayo sa ating pinakamalalim, pinakatotoong sarili—ang sarili na nasa isip ng Diyos noong naisin Niya tayong mabuhay bago pa nagsimula ang panahon.

Ang kabalintunaan ng ating kulturang "maging totoo sa iyong sarili" ay ang lahat ay magkakamukha. Dahil dito, ang kasalanan ay nagiging pangkaraniwan. Napupunta tayo sa ating kalikasan para sa pangangalaga sa sarili at kasiyahan—kasakiman, katakawan, imoralidad, kasinungalingan, power games. Iisang kuwento na paulit-ulit, sa bawat henerasyon.

Ang tunay na orihinal ay ang nagsasanay sa Daan. Dahil walang mas orihinal kaysa isang banal.

Nagiging tao ka; 'yan ay di maiiwasan.

At mapupunta ka sa isang lugar sa iyong buhay.

Bakit hindi maging isang taong nababalot ng pag-ibig ni Jesus?

Bakit hindi maging katulad Niya?

Anu-anong mga katangian ni Jesus ang pinakagusto mong mapasaiyo? Huminto ngayon at manalangin para sa Espiritu ni Jesus upang mabuo ang mga katangiang iyon sa iyong panloob na pagkatao.

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Practicing the Way

Nagiging sino ka ba? Kung makikita mo ang iyong sarili sa edad na 70, 80, o 100, anong uri ng tao ang makikita mo sa hinaharap? Ang pag-iisip mo ba ay nagbibigay sa iyo ng pag-asa? O takot? Sa debosyon na ito, ipinakikita sa atin ni John Mark Comer kung paano tayo mahuhubog sa espirituwal upang maging higit na katulad ni Jesus araw-araw.

More

Nais naming pasalamatan ang John Mark Comer Teachings Practicing the Way sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: https://practicingtheway.org