Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagsasanay sa DaanHalimbawa

Practicing the Way

ARAW 2 NG 5

LAYUNIN #1: MAKASAMA NI JESUS

Hindi na nakapagtataka na sinimulan ni Jesus ang pagbuo ng Kanyang mga aprentis sa pamamagitan lamang ng pagtawag sa kanila na “halika, sumunod ka sa akin”—upang lumakad lamang kasama Niya sa Daan.

Inimbitahan Niya si Andres at ang kanyang kaibigan na sumama lamang at tingnan kung saan siya nakatira. “Sumama sila kay Jesus at nakita nila ang kanyang tinitirhan; at tumuloy sila roon nang araw na iyon. Noo'y mag-aalas kuwatro na ng hapon.” (Juan 1:39).

Sa Lucas 10:39, mababasa natin ang tungkol sa isang aprentis na nagngangalang Maria na “naupo ito sa may paanan ng Panginoon upang makinig sa kanyang itinuturo.”

Ayon sa Marcos 3:13, “tinawag” ni Jesus ang kanyang mga alagad, at “lumapit sila sa kanya.” Maaaring ito'y isang grupo ng dose-dosena o maaaring daan-daang mga tagasunod na gumugol ng mahabang panahon kasama si Jesus. Mula sa mas malaking grupong ito ng mga alagad, pumili si Jesus ng 12 para sa pantanging pagsasanay upang “sila ay makasama niya”.

Ito ang una at pinakamahalagang layunin ng pag-aprentis kay Jesus: ang makasama ka Niya, gugulin ang bawat sandali ng paggising sa kamalayan ng Kanyang presensya at maging tapat sa pakikinig sa Kanyang tinig. Ang linangin ang isang buhay na kasama ni Jesus bilang batayan ng iyong buong buhay.

Ang pagsunod kay Jesus ay hindi isang tuntunin na may tatlong hakbang, ngunit ito'y may pagkakasunod-sunod. Hindi ito isang programa kundi isang pag-unlad.

Titingnan natin ang pag-unlad na ito sa debosyonal ngayon at sa susunod na dalawa pa. Narito ang pangkalahatang-ideya: Una, lumapit ka at sumama kay Jesus; unti-unti kang maging tulad Niya; sa pagdaan ng panahon, parang hindi mo na mapipigilan—magsisimula kang gawin ang mga uri ng mga bagay na ginawa Niya sa mundo.

Nakikita natin ang pag-unlad na ito sa mga kuwento ng orihinal na mga alagad: Ilang buwan o posibleng taon lamang nilang sinusundan Siya sa palibot ng Israel at nakaupo sa Kanyang paanan. Unti-unti , sila'y nagsimulang magbago, at sa bandang huli, “isinugo sila” upang mangaral (Lucas 9:2).

Siguro bago ka lang sa pagsunod kay Jesus at iniisip mo, Saan nga ba ako magsisimula? Magsimula ka dito, na may layunin #1: Makasama si Jesus.

Kapag iniisip mo ang tungkol sa "paglilinang ng pagsama kay Jesus," ano ang naiisip mo? Handa ka bang huminto ngayon ng ilang minuto sa bawat pagkakataon, at ibalik ang iyong isip at puso sa presensya ni Jesus na nasa 'yo? Paano mo magagawa iyon?

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Practicing the Way

Nagiging sino ka ba? Kung makikita mo ang iyong sarili sa edad na 70, 80, o 100, anong uri ng tao ang makikita mo sa hinaharap? Ang pag-iisip mo ba ay nagbibigay sa iyo ng pag-asa? O takot? Sa debosyon na ito, ipinakikita sa atin ni John Mark Comer kung paano tayo mahuhubog sa espirituwal upang maging higit na katulad ni Jesus araw-araw.

More

Nais naming pasalamatan ang John Mark Comer Teachings Practicing the Way sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: https://practicingtheway.org