Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagsasanay sa DaanHalimbawa

Practicing the Way

ARAW 4 NG 5

LAYUNIN #3: GAWIN KUNG ANO ANG GINAWA NIYA

"Humayo at gumawa ng mga aprentis sa lahat ng uri ng tao" (Mateo 28;19). Kaya't basahin ang mga panghuling pananalita ni Jesus sa Kanyang mga aprentis.

Ito ang ganap na maaari mong asahan sa isang rabbi na sasabihin sa kanyang mga estudyante sa katapusan ng kanilang pagsasanay. Kung tutuusin, ang layunin ng isang rabbi ay hindi lamang magturo, kundi magkaroon rin ng mga alagad na gaya niya upang ipagpatuloy ang kanyang pagtuturo at paraan ng pamumuhay. Hanggang ngayon, sa kanilang ordinasyon, ang mga rabbi ay inaatasan na “magkaroon ng maraming alagad,” sa isang liturhiya na itinayo noong panahon ni Jesus.

Ngayon, subaybayan mo ako, dahil ito ay isang napaka-simpleng ideya na hindi nauunawaan ng napakaraming Cristiano: Kung ikaw ay isang aprentis ni Jesus, ang iyong layunin ay lumago at maging isang uri ng tao na makapagsasabi at gagawin ang lahat ng sinabi at ginawa ni Jesus.

Madalas ay likas na nakukuha ng mga bata ito; nababasa nila ang kuwento ng mabuting Samaritano, at ang una nilang gustong gawin ay huminto sa tuwing nakakakita ng isang taong flat ang gulong. Dahil tinapos ni Jesus ang kuwentong iyon sa pagsasabing, “Humayo ka at gawin din ang gayon” (Lucas 10:37). O naririnig nila ang mga kuwento tungkol sa pagpapagaling ni Jesus sa mga maysakit, at sa susunod na magkasipon ang kanilang kaibigan mula sa preschool, niyayakap nila ang mga ito at ipinagdarasal na gumaling sila. Ngunit may nangyayari sa atin sa paglipas ng panahon kung saan nakakondisyon tayo sa lipunan upang mapahina ang pagnanais na iyon.

Paano kung ang udyok na iyon ay mula sa Espiritu?

Paano kung ang panloob na udyok ng puso ay ang Espiritu na kumikilos sa atin upang pumunta at gawin ang mga uri ng mga bagay na ginawa ni Jesus?

Gaya ng sinabi ng aprentis ni Jesus na si Juan sa Bagong Tipan, “Sa ganito, nalalaman natin na tayo'y talagang nasa kanya. Sinumang nagsasabing nananatili siya sa Diyos ay dapat mamuhay tulad ng pamumuhay ni Jesu-Cristo" (1 Juan 2: 5-6).

Ang lahat ng ito ay nagdadala sa atin sa layunin #3: Gawin ang ginawa Niya. Ang huling layunin ng isang baguhan ay upang ipagpatuloy ang gawain ng maestro. Sa huli, iyon ang tunay napagiging aprentis.

Kapag iniisip mo ang tungkol sa paggawa ng mga uri ng mga bagay na ginawa ni Jesus, alin sa mga ito ang mukhang pinakamalaki? Bakit? Ano ang iyong natatanging kontribusyon mula sa Diyos sa mas malawak na mundo? Ginagawa mo ba ito? Ano ang papel na ginagampanan mo sa pamilya ng Diyos, ang simbahan? Ginagawa mo ba ito?

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Practicing the Way

Nagiging sino ka ba? Kung makikita mo ang iyong sarili sa edad na 70, 80, o 100, anong uri ng tao ang makikita mo sa hinaharap? Ang pag-iisip mo ba ay nagbibigay sa iyo ng pag-asa? O takot? Sa debosyon na ito, ipinakikita sa atin ni John Mark Comer kung paano tayo mahuhubog sa espirituwal upang maging higit na katulad ni Jesus araw-araw.

More

Nais naming pasalamatan ang John Mark Comer Teachings Practicing the Way sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: https://practicingtheway.org