Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagsasanay sa DaanHalimbawa

Practicing the Way

ARAW 1 NG 5

PARAAN NG PAMUMUHAY

Ang orihinal na pangalan para sa komunidad ng mga tagasunod ni Jesus (o sa tawag ko sa kanila, apprentices) ay “ang Daan” o “tagasunod ng Daan (Mga Gawa 9:2; 19:23; 24:14). ). Sa salitang naglalarawan na ito ay isang simple ngunit rebolusyonaryong ideya:

Ang Daan ni Jesus ay hindi lamang isang teolohiya (isang grupo ng mga ideya na pinaniniwalaan natin sa ating mga isipan). Ito ay iyan, ngunit ito ay higit pa.

At hindi lamang etika (isang listahan ng mga dapat at hindi dapat gawin na ating sinusunod o sinusuway). Ito ay iyan, ngunit ito ay higit pa.

Ganyan talaga ito—isang paraan ng pamumuhay.

Ang paraan ng pamumuhay na ito—ang personal na ginawa ni Jesus mismo ay higit na malayo sa anumang bagay na iniaalok sa mundong ito. Maaari itong magbukas sa iyo sa presensya at kapangyarihan ng Diyos sa mga paraan na pinapangarap lamang ng karamihan ng mga tao. Ngunit kailangan mong sundin ang isang landas na minarkahan para sa iyo ni Jesus mismo.

Sinabi ni Jesus, “Pumasok kayo sa makipot na pintuan. Sapagkat maluwang ang pintuan at malapad ang daang papunta sa kapahamakan, at ito ang dinaraanan ng marami. Ngunit makipot ang pintuan at makitid ang daang papunta sa buhay, at kakaunti ang nagdaraan doon.” (Mateo 7:13-14).

Ang "maluwang" na daan ay ang kultura ng karamihan, na simple at magaspang: "Sundin ang karamihan at gawin ang anumang gusto mo." Bilyun-bilyong tao ang namumuhay sa ganitong paraan, ngunit ito ay hindi nag-aakay sa kanila sa buhay; sa halip, madalas itong humahantong sa pagkawasak.

Ang Daan ni Jesus ay “makitid,” ibig sabihin, ito ay isang napaka-espesipikong paraan ng pamumuhay. At kung susundin mo ito, aakayin ka nito sa buhay, sa panahong ito at sa darating na panahon.

Patuloy na iniaalay ni Jesus ang buhay na ito sa sinumang susunod sa Kanya. “Ako ay naparito upang sila ay magkaroon ng buhay, at magkaroon nito ng ganap,” sabi Niya (Juan 10:10). Ang buhay na ito na tinutukoy ni Jesus ay tinatawag din Niyang “buhay na walang hanggan,” na naglalarawan hindi lamang sa dami kundi sa kalidad ng buhay.

Mukhang halos isang minorya ang sumasagot ng oo sa imbitasyon ni Jesus. Ngunit maaari kang maging isa sa ilang mapalad—isang apprentice ni Jesus.

Dahil ang nakakagulat na alok ng buhay na ito ay para sa lahat.

Kung sisimulan mong tingnan ang pagsunod kay Jesus bilang isang paraan ng pamumuhay, paano nito maaaring baguhin ang buhay mo? Sandaling huminto, huminga, at pagnilayan ang pagnanais ng puso mo para kay Jesus at sa pagbabagong-anyo. Hayaang ang pagnanasang ito ang siyang magtulak sa iyo sa pagbabago.

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Practicing the Way

Nagiging sino ka ba? Kung makikita mo ang iyong sarili sa edad na 70, 80, o 100, anong uri ng tao ang makikita mo sa hinaharap? Ang pag-iisip mo ba ay nagbibigay sa iyo ng pag-asa? O takot? Sa debosyon na ito, ipinakikita sa atin ni John Mark Comer kung paano tayo mahuhubog sa espirituwal upang maging higit na katulad ni Jesus araw-araw.

More

Nais naming pasalamatan ang John Mark Comer Teachings Practicing the Way sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: https://practicingtheway.org