Iniibig nang Dakilang Pag-ibigHalimbawa

Hindi mo kailangang mamuhay nang may bigat sa iyong dibdib. Maraming mas maganda ang inihahanda ng Diyos para sa iyo. Inaanyayahan ng Diyos ang bawat isa sa atin na makilala Siya nang tunay at makita ang ating sarili sa Kanyang perspektiba. Nais Niya tayong mamuhay nang mas magaan at mas malaya.
Ilan sa atin ay namumuhay na parang naka-autopilot– hindi nakikipag-ugnayan sa Diyos at pasibo lang sa ating mga buhay. Pakiramdam natin na ang ating mga buhay ay hindi kasinghalaga ng iba, na parang tayo'y masyadong naiiba o hindi sapat na naiiba. Pakiramdam natin na tayo'y hindi nakikita at hindi mahalaga. Huwag paniwalaan ang mga kasinungalingan ng Kaaway.
Sa iyong nakakaramdam na ekstra ka lang, isang pagkakamali, o panigunda lang… Ikaw ay higit pa sa sinasabi ng iyo. Ikaw ay tinatawag ng Diyos na Pinili (1 Mga Taga-Tesalonica 1:4).
Hindi ka narito nang aksidente, dahil mayroong natanggal sa trabaho, may umalis, may namatay, o dahil may nagkamali. Hindi ka narito dahil ang Diyos ay lumikha ng tao nang maramihan, at napasama ka sa kargamento para sa henerasyong ito. Pinili ka para sa sandaling ito, mismong kung nasaan ka, kung ano ka, dahil sinabi ng Manlilikha ng sansinukob na mahalaga na ikaw ay narito.
Sa 1 Mga Taga-Corinto 12, sinabi ni Pablo na tayo ay mahalagang bahagi ng iisang katawan, ang katawan ni Cristo. Sinasabi sa bersikulo 18 ang "Subalit inilagay ng Diyos ang bawat bahagi ng katawan ayon sa kanyang kalooban.”
Ibig sabihin nito ay sadyang inilagay ka ng Diyos sa eksaktong kinalalagyan mo. Ang iyong tungkulin sa iyong pamilya ay mahalaga. Ang iyong bahagi sa iyong grupo ng mga kaibigan ay mahalaga. Ang iyong personalidad ay kailangan. Pinili ka ng Diyos para sa mga tao sa paligid mo. Kung sino ka talaga ay isang kaloob mula sa Diyos para sa amin.
Pinili. Iyan ang iyong pangalan.
Sa iyong nakakaramdam na hindi sapat ang iyong kakayahang ipakita ang pag-ibig ng Diyos sa iyong pang-araw-araw na buhay, na nag-iisip na ang iyong kuwento ay hindi gaanong mabuti, o na ang iyong buhay ay hindi kailanman makakapaghatid ng makabuluhang epekto… ikaw ay higit sa sinabi sa iyo. Tinatawag ka ni Jesus na Kanyang Saksi sa daigdig (Mga Gawa 1:8).
Tayo ang Plano A ng Diyos– Ang Kanyang pinakamahusay na plano– upang magdala ng liwanag sa madilim na mundo.
Sinabi ng apostol na si Pablo, "Ang katotohanan tungkol kay Cristo ay pinagtibay sa inyo." (1 Mga Taga-Corinto 1:6)
Ang iyong mga detalye, iyong kuwento, iyong personalidad, at iyong mga karanasan sa buhay ang natatanging naghahanda sa iyo upang ipakita ang pag-ibig ng Diyos sa iyong mga tunay na relasyon.
Saksi ng Diyos. Iyan ang iyong pangalan.
Ngayong papatapos na ang ating panahon sa debosyonal, nais kong hikayatin ka na patuloy na magsikap na maglaan ng tunay na oras kasama ang Diyos. Patuloy na ipaglabang maglaan ng oras upang makipag-usap sa Kanya, maging totoo sa Kanya, makipag-ugnayan sa Kanyang Salita, at gawin ang Kanyang tinig na pinakamalakas na tinig sa iyong buhay.
Ngayon, nais kong iwanan sa iyo ang katotohanang ito:
Hindi ka lamang binibigyan ng Diyos ng bagong pangalan. Sinasabi Niya sa iyo kung sino ka na talaga mula pa noong una. Ikaw ay mula't sapul pang Iniibig Nang Dakilang Pag-ibig. Pinili. Mahal. At karapat-dapat na Ipaglaban.
Ang katotohanan ay ito: Minahal ka na noon pa man.
Nagbabahagi ako ng higit pang mga praktikal na tulong patungkol sa kung paano muling kumonekta sa Diyos, malaman kung sino ka, at mabuhay nang naaayon nang bawat araw sa aking bagong libro na, You Are More Than You’ve Been Told. Magkasama, mas makakausad tayo sa ating lakbayin ng paggaling at paglaya.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Naranasan mismo ni Hosanna Wong ang pakiramdam ng di-nakikita, di-nararapat, at di-iniibig. Sa 5-araw na gabay na ito, tatalakayin niya ang siyam na pangalan na itinatawag sa iyo ng Diyos at bibigyan ka ng praktikal, kayang-gawing pampatibay-loob na tutulong sa iyong maisiwalat ang mga kasinungalingan, makita ang iyong sarili sa mga lente ng Diyos, at mamuhay nang may bagong pananaw at layunin.
More