Iniibig nang Dakilang Pag-ibigHalimbawa

Naramdaman mo na ba ang tila ikaw ay di-nakikita, di-nararapat, o di-iniibig? Kung oo, hindi ka nababaliw, at hindi ka nag-iisa. Sa simula pa ng panahon, kinakalaban na tayo ng Kaaway ng ating mga kaluluwa, na nakakaalam kung sino talaga tayo.
Ayaw niyang malaman natin kung sino talaga tayo Iniibig nang Dakilang Pag-ibig. Pinili. Mahal. Karapat-dapat na Ipaglaban. Alam niya na kung matutuklasan natin kung sino talaga tayo, sisimulan nating isabuhay ito nang may kumpiyansa. Babaguhin nito ang ating perspektibo at pananaw, at na ang isabuhay ng mga anak ng Diyos ang kanilang layunin ang pinakalmalaking banta sa kanyang plano.
Maaaring may nakapagsabi na sa'yong hindi ka sapat, na ang iyong ginagawa ay hindi sapat, o hindi singhalaga ng iba. Hindi ka kailanman makakalaya sa sakit ng iyong nakaraan, o hanggang diyan ka na lang na paulit-ulit mabibigo.
Ako man, naramdaman ko na ang mga ito. Nais kong sabihin sa iyo ang sana'y may nakapagsabi sa akin dating-dati pa: Ikaw ay higit sa sinabi sa'yo.
Walang may kapangyarihang magsabi kung sino ka maliban sa Kanyang may likha sa'yo.
At maraming panahon ang iginugugol ng Diyos sa Biblia upang sabihin kung sino tayo.
Sa loob ng 5-araw na gabay na ito, tatalakayin natin ang siyam na pangalan na itinatawag sa atin ng Diyos.
Habang tinitingnan natin ang ating mga sarili sa lente ng ating Manlilikha, matutuklasan natin kung sino talaga tayo at kung sino tayo mula't sapul pa.
Sa iyong nakakaramdam na hindi ka kaibig-ibig, masyado nang wasak, at tulad ng mga bagay sa iyong nakaraan ay wala nang pag-asa... ikaw ay higit sa sinabi sa'yo. Ikaw ay Iniibig nang Dakilang Pag-ibig.
Sinasabi ng Mga Taga-Roma 5:8 ang “Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa.”
Tayo ay labis na iniibig na kahit noong tayo ay laban sa Diyos, panig na sa atin ang Diyos. Bago natin pinili ang Diyos, pinili na Niya tayo. Habang tumatakbo tayong palayo sa Kanya, hinahabol Niya tayo. Habang nagdududa tayo. Habang nag-aatubili o nag-aalangan tayong palapitin Siya. Siya ay may labis-labis, walang-humpay, at walang-hanggang pag-ibig sa atin kaya't ipinadala Niya ang Kanyang kaisa-isang Anak na si Jesus upang mamatay para sa atin.
Wala kang ginawang nakabawas ng pag-ibig Niya sa'yo. Mahal ka Niya noon. Mahal ka Niya ngayon. Hindi Siya kailanmang tumigil sa pagmamahal sa'yo. Mahal ka Niya kahit kailan.
Narito Siya para sa'yo ngayon. Ikagagalak Niya kung kakausapin mo.
Iniibig nang Dakilang Pag-ibig. Iyan ang pangalan mo.
Kaibigan, habang sinisikap nating isiwalat ang mga kasinungalingan ng kaaway at buksan ang mga katotohanan ng Diyos, heto ang ilang katanungang kailangan mong tanungin:
- Kaninong mga tinig ang pinakamalakas sa aking buhay?
- Kaninong opinyon ang pinakapinapahalagahan ko?
- Sino ang minsang may sinabing negatibo na humubog sa pagtingin ko sa sarili ko?
- Anong awtoridad ang mayroon sila upang italaga kung sino ako?
Heto ang ilang katotohanang tatalakayin natin:
- Hindi natin matutuklasan kung sino tayo kung gamit natin ang wasak na lente ng ibang tao.
- Ang tinig ng Diyos ang dapat na pinakamalakas sa buhay natin.
- Ang lente ng Diyos ang dapat nating gamitin sa pagtingin natin sa ating sarili.
Huwag payagan ang Kaaway na magtagumpay tungkol sa iyong pagkakakilanlan o iyong buhay. Ngayon, isuko ang mga dating pangalan na nagtalaga sa kung sino ka nang sobrang tagal na. Piliing makipagniig sa Salita ng Diyos at sinasabi ng Diyos patungkol sa'yo.
Kapag alam mo kung sino ka, binabago nito kung paano ka mamuhay.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Naranasan mismo ni Hosanna Wong ang pakiramdam ng di-nakikita, di-nararapat, at di-iniibig. Sa 5-araw na gabay na ito, tatalakayin niya ang siyam na pangalan na itinatawag sa iyo ng Diyos at bibigyan ka ng praktikal, kayang-gawing pampatibay-loob na tutulong sa iyong maisiwalat ang mga kasinungalingan, makita ang iyong sarili sa mga lente ng Diyos, at mamuhay nang may bagong pananaw at layunin.
More