Iniibig nang Dakilang Pag-ibigHalimbawa

Sa lahat ng pangalang ibinigay sa atin ng Diyos, Anak ng Diyos ang pinakamahirap sa'king unawain.
Baka dahil ang pakiramdam ng aking kabataan ay minadali akong lumaki, at hindi ko kailanmang lubos na naunawaan kung paano kaya ang mamuhay na tulad ng isang bata.
Ang ibig sabihin ba ng pagiging bata ba ay ang damdaming pagiging ligtas at inaalagaan na walang inaalala patungkol sa hinaharap? Ng pagiging mausisa at magsapalaran? Ng pagpapahinga, magalak, at malaya mula sa mga kabigatan ng mundo?
Hindi iyan ang aking kabataan.
Nakipagbuno ang aking ama sa adiksyon, nakipag-basag-ulo sa gang, at nabuhay nang may Hepatitis C. May nagpakilala sa kanya kay Jesus, at lubusang nagbago ang kanyang buhay (purihin ang Diyos!). Nagpasimula siya ng programa para makatulong sa aming mga kaibigang walang matirhan at nakikipaglaban sa adiksyon sa mga lansangan ng San Francisco. Ipinagmamalaki ko ang mga kalyeng kinalakihan ko at namamangha sa mga nakita naming ginawa ng Diyos, ngunit kalakip nito ang isang mabigat na kabataan. Sa murang edad, nakakita ako ng mga taong pinatay mismong sa harap ko, sinaktan ang parehong mga magulang ko, at sari-saring mga drogang binebenta at ginagamit. Sa edad kong 18 taon, nagka-kanser at namatay ang ama ko.
Maaga kong natutunang pumasan ng mga mabibigat na responsibilidad, kumaharap sa kawalan, maging matatag, at magtrabaho nang husto. May mga positibong aspeto nito, ngunit may mga negatibo rin. Ang mga unang taon kong nasa hustong gulang ay ipinamuhay kong lugmok sa mahigpit na pangangailangang maging produktibo at nasa kontrol, hindi kailanman nagpapahinga, aburido tungkol sa hinaharap, walang pagkamangha na gaya ng bata. Ilang tao noong mga panahong iyon ang aking labis na nasaktan.
Nitong mga huling nakalipas na taon, ako'y nasa lakbayin ng muling pagtutuklas ng talagang ibig sabihin ng isang pangalan na ito.
Sa iyong nabubuhay nang pasan ang kabigatan ng mundo sa iyong mga balikat… ikaw ay higit sa sinabi sa'yo. Tinatawag ka ng Diyos na Kanyang Anak (Mga Taga-Galatia 3:26).
Oras na ibigay natin ang ating buhay kay Jesus, iniimbitahan tayong muling matutunan kung ano ang ibig sabihin ng pagiging isang bata. Maaari nating ibigay sa Kanya ang mga pasaning hindi kailanmang inadyang ating dalhing mag-isa. Iyon pala tayo ay mas ligtas kaysa ating kailanmang naisip– na magtiwala, magsapalaran, humakbang sa pananampalataya, magpahinga, masiyahan, at magdiwang tulad ng mga batang ligtas at minamahal.
Anak ng Diyos. Iyan ang pangalan mo.
Sa iyong nakakaramdam na hindi ka kailanman makakalaya mula sa kahihiyan ng kung sino ka noon o ng mga nagawa mo… ikaw ay higit sa sinabi sa iyo. Tinatawag ka ni Jesus na Malaya, nang Tunay (Juan 8:36).
Kapag ibinigay natin ang ating buhay kay Jesus, ang kaparehong Espiritu na muling bumuhay kay Jesus ay nananahan na sa atin. Mayroon tayong bagong uri ng pananaw, perspektibo, at kapangyarihang dumadaluyong sa loob natin.
Kung ang Diyos ay hindi sapat para buhayin tayo mula sa kamatayan, kung Siya ay hindi sapat para iligtas tayo mula sa ating mga buhay ng kasalanan, kung Siya ay hindi sapat para palayain tayo mula sa lahat ng mga dakong pinaroonan natin, Siya ay samakatuwid hindi sapat para buhayin si Cristo mula sa kamatayan. Kaya't tayo ay muling binuhay, o si Jesus ay patay pa rin.
Ngunit dahil Siya ay hindi patay— dahil ang libingan ay walang laman at walang mga buto ng Tagapagligtas na naroon— alam nating ang kamatayan ay matagal nang nalupig.
Hindi ka nakagapos sa iyong nakaraan
Malaya, nang Tunay. Iyan ang pangalan mo.
Kaibigan, maaaring may dala kang mga pasaning hindi na dapat ngayon. Maaaring nabubuhay kang nakagapos ng mga tanikalang hindi na dapat ngayon.
Isuko ang mga ito sa Diyos, at mamuhay bilang malayang Anak ng Diyos na kung sino ka talaga.
Tungkol sa Gabay na ito

Naranasan mismo ni Hosanna Wong ang pakiramdam ng di-nakikita, di-nararapat, at di-iniibig. Sa 5-araw na gabay na ito, tatalakayin niya ang siyam na pangalan na itinatawag sa iyo ng Diyos at bibigyan ka ng praktikal, kayang-gawing pampatibay-loob na tutulong sa iyong maisiwalat ang mga kasinungalingan, makita ang iyong sarili sa mga lente ng Diyos, at mamuhay nang may bagong pananaw at layunin.
More