Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Iniibig nang Dakilang Pag-ibigHalimbawa

Greatly Loved

ARAW 4 NG 5

Nang ilang taon pinaniwalaan ko ang kasinungalingan na hindi ako sapat, ang pinagmulan ko ay hindi sapat, ang pamilya ko ay hindi sapat, at ang totoo kong kuwento ay hindi sapat. Pakiramdam ko masyado akong naiiba, at wala talagang nakakaunawa sa totoong ako. Kaya't ilang taon ang ginugol ko sa pagbabago ng kung sino ako upang umakma sa inaakala kong pamantayan.

Naramdaman mo na ba ang pangangailangang itago kung sino ka talaga, kung saan ka talaga nagmula, huwag masyadong pag-usapan ang iyong mga detalye, o ibahin kung sino ka talaga para matanggap at maging epektibo sa mga lugar na kinalagyan sa'yo ng Diyos?

Kaya pala ito mismo ang nais ng Kaaway na gawin natin.

Kapag tumutugon tayo sa mga maling pangalan, isasabuhay natin ang mga maling kuwento. Ang mga huwad na kuwentong pinaniniwalaan natin tungkol sa sarili ay maaaring magkukulong sa atin sa mga maling pamamaraan ng pamumuhay.

Ang katotohanan ay na ang iyong totoong pinagmulan, kuwento, at ekasaktong mga detalye ang nais gamitin ng Diyos sa mismong panahong ito.

Syempre, nais ng Kaaway na kumbinsihin kang walang halaga ang iyong mga detalye. Ayaw niyang ispalarang matuklasan mo kung sino ka talaga at isabuhay ang iyong layunin.

Oras nang kalimutan ang mga maling kuwento at mabuhay nang kung sino ka talaga.

Sa'yong nakakaramdam na hindi ka karapat-dapat o hindi sapat… ikaw ay higit sa sinabi sa iyo. Ang tawag sa'yo ng Diyos ay Kanyang Nilalang (Mga Taga-Efeso 2:10).

Tayo ay likha ng Maestro ng langit at lupa. Kapag lumikha ang mga maestro ng anuman, sinasadya nila ang mga detalye. Pumupili ang mga pintor ng partikular na brotsa na ipangpipinta sa blankong kuwadro. Pumipili ang mga manunula ng espesipikong istraktura upang bigyang-estilo ang partikular na kuwento. Idindetermina ng mga mananayaw ang pinakamagaling na galaw para sa nag-iisang sandali ng nag-iisang kantang iyon. Hinahanap ng mga potograpo at mga gumagawa ng pelikula ang pinakamahusay na pagsasaayos, ilaw, at mga tekstura upang lubusang mailahad ang kuwentong nais nilang isalaysay.

Ang mga maestro ay— walang magagalit, napakamapili— at hindi nagmamadali sa paggawa ng isang obrang maipagmamalaki nila. Mas higit pa ang pagsasadya ng Diyos noong hinugis Niya tayo. Pumili siya ng partikular na brotsa, senaryo, kumpas, kuwadro, at tekstura upang ilatag nang mahusay ang iyong buhay para sa iyong ikabubuti at sa Kanyang kaluwalhatian.

Ikaw ay isang obrang sining na metikulosong ginawa upang maisagawa ang mabubuting gawang itinalaga ng Diyos. Hindi ka peke. Ikaw ay pinong sining. Ikaw ay burgis. Ikaw ay isang orihinal, gawang-sadya ng Manlilikha ng lahat ng bagay.

Nilalang ng Diyos. Iyan ang pangalan mo.

Sa iyong nakakaramdam ng hiya sa iyong katawan dahil sa mga sinabi patungkol dito, sa mga nagawa mo rito, o sa mga ginawa rito… ikaw ay higit sa sinabi sa iyo. Ikaw ay tinatawag na Templo ng pinaninirahan ng Espiritu Santo (1 Mga Taga-Corinto 6:19).

Walang taong makakapag-alis ng nakapaloob, bigay-ng-Diyos, likas na halaga mo. Sinuman ang nagsamantala sa iyo, gumamit ng kapangyarihan nila na saktan ka, at anupamanan ang nararamdaman mong nawala sa iyo dahil sa iyong mga pagpipili, kapag ibinigay mo ang buhay mo kay Cristo, tinatawag ng Salita ng Diyos ang iyong katawan na lugar na tinitirhan ng Espiritu Santo. Ang iyong katawan ay mabuti. Ikaw ay may halaga. Mula't sapul pa ikaw ay may halaga. Ang mga tao ay walang kapangyarihan na italaga ang iyong tunay na halaga, na nangangahulugan ding hindi nila ito kayang alisin.

Ikaw ay hindi natatakda ng mga ginawa mo o ng mga ginawa sa iyo.

Templo ng Diyos. Iyan ang pangalan mo.

Huwag mong hayaang baluktutin ng Kaaway ang ginawa ng Diyos na mabuti, para sa mga mabubuting bagay, at upang ikaluwalhati Niya.

Ngayon, imbitahan ang Diyos sa mga sensitibong bahagi ng iyong kuwento at hilingin sa Kanyang pagalingin ka. Manalanging ibigay Niya sa iyo ang Kanyang lente sa iyong buhay at iyong kuwento.

Tungkol sa Gabay na ito

Greatly Loved

Naranasan mismo ni Hosanna Wong ang pakiramdam ng di-nakikita, di-nararapat, at di-iniibig. Sa 5-araw na gabay na ito, tatalakayin niya ang siyam na pangalan na itinatawag sa iyo ng Diyos at bibigyan ka ng praktikal, kayang-gawing pampatibay-loob na tutulong sa iyong maisiwalat ang mga kasinungalingan, makita ang iyong sarili sa mga lente ng Diyos, at mamuhay nang may bagong pananaw at layunin.

More

Nais naming pasalamatan si Hosanna Wong sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring bumisita sa: https://hosannawong.com/greatlyloved