Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Iniibig nang Dakilang Pag-ibigHalimbawa

Greatly Loved

ARAW 2 NG 5

Maaari ba akong magpakatotoo sa inyo?

Isa iyon sa pinakamasakit na yugto ng buhay ko.

Sinamantala ang aking tiwala at pinagnakawan. Naramdaman ko ang hiya. Ang mga taong inakala kong mananatili ay hindi nanatili. Ang mga taong inakala kong dedepensa sa akin ay hindi dumepensa..Pakiramdam ko'y inabandona at di-pinahalagahan. Ipinihunan namin ang aming buong ipon sa isang proyektong ramdam namin ay itinalaga sa amin ng Diyos, at dahil sa ilang dahilang nakakadurog-ng-puso, nabigo ito. Nawala ang lahat ng ipon namin at naiwang walang-wala, nalilito, at hindi nakakatiyak kung paanong magsisimula ulit. Naramdaman ko ang hiya at pagkatalo.

Nagsulputang muli ang mga sugat mula sa nakaraan. Namimilipit ako sa damdaming talunan. Nawala sa akin ang kung sino ako.

Kinailangan kong magpasya. Kailangan mo ring magpasya.

Pipiliin ba natin ang mga opinyon ng iba at ng sakit ng ating sitwasyon na italaga at kontrolin tayo?

O pipiliin ba nating ipaglaban ang ating mga pag-iisip, ating mga pananaw, at ating mga buhay?

Sa pagdaan ng panahon, pinili kong ipaglaban ang aking buhay sa pamamagitan ng pakikipaglabang gumugol ng totoong panahon na kasama ang Diyos.

Hindi mabilisan at mababaw na panahon.

Upang makabangon sa pagkatalong ito, kinailangan kong magpakatotoo sa Diyos, sumuko sa Kanya, at ipaglabang gawing pinakamalakas ang tinig ng Diyos sa buhay ko. Sinimulan kong planuhin ang higit pa at mas mahabang panahon sa Kanya, sa pananalangin ng mga napakaespesiikong mga panalangin, at dahan-dahang pagbabasa ng Kanyang Salita nang matuklasan ang sinasabi Niya tungkol sa akin.

Nang masimulan kong makita ang aking sarili sa Kanyang mga lente, ang nanlulupaypay kong kaluluwa ay nabuhayang muli.

Hindi ko alam kung anong mga kasinungalingan ang sinabi sa iyo. Ngunit may ibang mga pangalan ang Diyos para sa'yo.

Sa iyong nakakaramdam na inabandona ka at nag-iisa… ikaw ay higit sa sinabi sa iyo. Tinatawag ka ni Jesus na kaibigan (Juan 15:15).

Mahal ka Niya, at gusto ka Niya. Kasama mo Siya. Sagot ka Niya. Kakampi mo Siya. Nasa panig mo Siya.

Kaibigan ng Diyos. Iyan ang pangalan mo.

Pagka nararamdaman mong tila hindi ka makawala mula sa mga dati mong mga pangalan, dati mong mga pananaw, at sa mga opinyon ng mga tao… ikaw ay higit sa sinabi sa iyo. Ikaw ay tinatawag na Bagong-Bago (2 Mga Taga-Corinto 5:17).

Kapag pinili nating tunay na sundin si Jesus at sundin ang Kanyang mga pamamaraan, ang isang lubos na bagong buhay ang nagsisimula. Hindi na tayo ang ating mga dating pangalan. Hindi na tayo ang ating mga dating pananaw. Hindi na tayo ang ating mga nakaraang pagkakamali. Ang pagsunod kay Jesus ay isang lubos na bagong pasimula. Pinapakita Niya sa atin ang isang mas magaang at malayang paraan ng pamumuhay.

Bagong-Bago. Iyan ang pangalan mo.

Noong napakasakit na yugtong iyon, sumulat ako ng isang tulang pambigkas “Ako'y May Bagong Pangalan,” na nagdedeklara ng siyam na pangalang tinatawag sa atin ng Diyos. Ito'y pahapyaw ng sinasabi ng Diyos patungkol sa'yo. Panalanging ko ang mapalakas nito ang iyong loob.

Nawa'y malaman natin ang mga salita ng Diyos, ideklara ang mga salita ng Diyos, at isabuhay kung sino talaga tayo.

Oras nang bumangon mula sa kung saan ka nabigo at ipaglaban ang paggugol ng tunay na panahon sa Diyos.

Matutuklasan mo kung sino ka talaga kapag gumugol ka ng tunay na panahon sa Kanyang pinakanakakakilala sa iyo.

(Ang aking tulang pambigkas, “I Have A New Name,” Panoorin ang kabuuan ng video sa ilalim.)

Tungkol sa Gabay na ito

Greatly Loved

Naranasan mismo ni Hosanna Wong ang pakiramdam ng di-nakikita, di-nararapat, at di-iniibig. Sa 5-araw na gabay na ito, tatalakayin niya ang siyam na pangalan na itinatawag sa iyo ng Diyos at bibigyan ka ng praktikal, kayang-gawing pampatibay-loob na tutulong sa iyong maisiwalat ang mga kasinungalingan, makita ang iyong sarili sa mga lente ng Diyos, at mamuhay nang may bagong pananaw at layunin.

More

Nais naming pasalamatan si Hosanna Wong sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring bumisita sa: https://hosannawong.com/greatlyloved