Tatlumpu't Isang Katotohanan: Sino Ako Kay CristoHalimbawa

PINAGKASUNDO SA DIYOS
Maging magkaibigan kasama ang Diyos.
BASAHIN: Mga Taga-Efeso 2:16-17
BASAHIN: 2 Mga Taga-Corinto 5:18-21
Wala nang hidwaan dahil sa kasalanan sa pagitan natin at ng Diyos at ng iba pang mananampalataya. Kay Cristo, tayo ay pinagkasundo sa Diyos at sa bawat isa. Ngunit may mga pagkakataon na bumabalik tayo sa mga masasamang kaisipan na nagtuturing sa Diyos bilang kaaway. Ano ang mga bagay sa buhay mo na maaaring mag-udyok ng negatibong pananaw patungkol sa Diyos? Ano ang nararapat gawin ukol dito?
MALING PANANAW: Kaaway ko ang Diyos. Kontra Siya sa akin. Itinakwil Niya ako.
TAMANG PANANAW: Kay Cristo, ako ay pinagkasundo sa Diyos. Itinuturing Niya ako bilang isang kaibigan. Ngayon ay dapat kong ipamuhay ang pagkakasunduang ito sa isip at sa gawa.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Isang sulyap sa kung paanong inilalarawan ng Mga Taga-Efeso 1-2 ang ating bagong pagkakakilanlan kay Cristo. Ang gabay na ito na mula sa Thistlebend Ministries ay hihimok sa atin na lubusang ipamuhay ang bagong pagkakakilanlan na ibinigay Niya sa atin.
More