Tatlumpu't Isang Katotohanan: Sino Ako Kay CristoHalimbawa

DAAN PAPUNTA SA AMA
Kay Cristo, maaari tayong lumapit sa Diyos at magkaroon ng ugnayan sa Kanya.
BASAHIN: Mga Taga-Efeso 2:18
BASAHIN: Mga Taga-Roma 5:1-2 at Mga Taga- Efeso 3:8-12
Hindi tayo inilalayo ng Diyos sa Kanya. Kasing lapit Siya sa atin ng Kanyang Espiritu na nananahan sa atin. Ang Diyos Ama ay gumawa ng daan kung saan walang ibang daan. Binuksan Niya ang pinto at handang sumalubong nang bukas ang mga bisig. Lumalapit ka ba sa presensya ng Panginoon? Ano ang ilan sa mga bagay na maaaring humadlang sa paglalaan mo ng oras sa Kanya?
MALING PANANAW: Hindi ko pwedeng ibahagi ang mga suliranin ko sa Diyos. Malayo Siya at walang malasakit.
TAMANG PANANAW: Malapit ang Diyos, at maaari akong lumapit sa Kanya! Nananahan ang Espiritu Niya sa akin, at maaari akong lumapit sa Kanya para sa lahat ng pangangailangan ko.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Isang sulyap sa kung paanong inilalarawan ng Mga Taga-Efeso 1-2 ang ating bagong pagkakakilanlan kay Cristo. Ang gabay na ito na mula sa Thistlebend Ministries ay hihimok sa atin na lubusang ipamuhay ang bagong pagkakakilanlan na ibinigay Niya sa atin.
More