Tatlumpu't Isang Katotohanan: Sino Ako Kay CristoHalimbawa

ISANG BAGONG TAO
Hiwalay dati ang mga Judio at mga Gentil. Ngunit ngayon na pareho silang lumalapit sa Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, mayroon nang pagkakaisa sa kanila.
BASAHIN: Mga Taga-Efeso 2:14-15
BASAHIN: Mga Taga-Roma 3:29-30 at Mga Taga-Roma 15:1-12
Ang pakikiisa sa iglesia ni Cristo ay nangangahulugan na ang lumang alitan dahil sa iba't ibang mga pinagmulan ay dapat nang isantabi. Iisa tayo kay Cristo; Siya ang ating kapayapaan. Kay Cristo, paano tayo mamumuhay nang may pagkakaisa kasama ang lahat ng mananampalataya? Ano ang ilang mga paraan na maaari mong gamitin upang makipag-ugnayan sa ibang mananampalataya para ipahayag ang pagkakaisa na mayroon tayo kay Cristo?
MALING PANANAW: Tayo laban sa kanila.
TAMANG PANANAW: Binuwag ni Cristo ang pader na naghihiwalay sa mga taong magkakaiba ang pinagmulan. Ang taong ito na iba sa akin ay kapatid ko kay Cristo.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Isang sulyap sa kung paanong inilalarawan ng Mga Taga-Efeso 1-2 ang ating bagong pagkakakilanlan kay Cristo. Ang gabay na ito na mula sa Thistlebend Ministries ay hihimok sa atin na lubusang ipamuhay ang bagong pagkakakilanlan na ibinigay Niya sa atin.
More