Tatlumpu't Isang Katotohanan: Sino Ako Kay CristoHalimbawa

ANG BANAL NA TEMPLO (NAGKAKAISA KASAMA ANG IBANG MANANAMPALATAYA)
Sa Lumang Tipan, ang templo ay ang gusali kung saan nananahan ang presensya ng Diyos. Sa Bagong Tipan, ang mga anak ng Diyos ay parehong indibidwal at panlahatang templo Niya.
BASAHIN: Mga Taga-Efeso 2:19-21
BASAHIN: 1 Mga Taga-Corinto 3:1-17
Binalaan tayo ni Pablo patungkol sa pakikitungo natin sa iglesia dahil dito nananahan ang Diyos (1 Mga Taga- Corinto 3:16-17). Itinataguyod mo ba ang iglesia, o pinababagsak ito?
MALING PANANAW: Hindi gaanong mahalaga ang iglesia.
TAMANG PANANAW: Nararapat akong tumulong na itaguyod ang iglesia! Ito ang templo ng Diyos.
Tungkol sa Gabay na ito

Isang sulyap sa kung paanong inilalarawan ng Mga Taga-Efeso 1-2 ang ating bagong pagkakakilanlan kay Cristo. Ang gabay na ito na mula sa Thistlebend Ministries ay hihimok sa atin na lubusang ipamuhay ang bagong pagkakakilanlan na ibinigay Niya sa atin.
More