Tatlumpu't Isang Katotohanan: Sino Ako Kay CristoHalimbawa

KASAPI NG SAMBAHAYAN NG DIYOS
Ang mga mananampalataya kay Cristo ay nabibilang sa pamilya ng Diyos at kasapi sa Kanyang sambahayan.
BASAHIN: Mga Taga-Efeso 2:19
BASAHIN: 1 Timoteo 3:14-15
Minsan mahirap makitungo sa ating mga kapamilya. Ang mga magulang natin ay hindi perpekto, subalit ang Diyos ay isang perpektong Ama. Sya ay mapagmahal at marunong at mapagkakatiwalaan sa lahat ng bagay. Kabilang ka sa pamilya ng Diyos. Paano nito napababago ang pananaw at pamumuhay mo sa araw araw?
MALING PANANAW: Hindi ako nabibilang kahit saan. Isa akong kahihiyan sa pamilya.
TAMANG PANANAW: Tinanggap ako ng Diyos sa Kanyang pamilya bilang Kanyang pinakamamahal na anak. Samakatuwid, nais Niya na tularan ko Siya (Mga Taga-Efeso 5:1).
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Isang sulyap sa kung paanong inilalarawan ng Mga Taga-Efeso 1-2 ang ating bagong pagkakakilanlan kay Cristo. Ang gabay na ito na mula sa Thistlebend Ministries ay hihimok sa atin na lubusang ipamuhay ang bagong pagkakakilanlan na ibinigay Niya sa atin.
More