Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tatlumpu't Isang Katotohanan: Sino Ako Kay CristoHalimbawa

Thirty-One Truths: Who We Are in Christ

ARAW 17 NG 33

ANG IGLESIA NI CRISTO

Ang iglesia ni Cristo ay binubuo ng mga mananampalataya kay Cristo. May espiritwal na pagkakaisa ang mga mananampalataya na kabahagi kay Jesus. Dahil kaisa ang mga mananampalataya kay Cristo, sila din ay nagkakaisa sa bawat isa.

BASAHIN: Mga Taga-Efeso 1:22-23

BASAHIN: 1 Mga Taga-Corinto 12:12-27

Dapat nating ipamuhay ang ating pagkakaisa kay Cristo sa pamamagitan ng pakikisama sa ibang mga mananampalataya at paglilingkod sa iglesia ni Cristo. Tahimik na sambitin ang dalanging ito sa iyong puso: “Salamat, Panginoong Jesus, na kabahagi ako ng isang bagay, isang Diyos, na mas higit kaysa sa akin. Salamat at nasa Iyo ako, at kabahagi ng iglesia ni Cristo. Sa Iyo lahat ang papuri!” Ano ang ilang mga pagkakataon na kailangan mong mapanatili ang pagkakaisa sa isang kapwa mananampalataya? Anong mga hakbang ang maaari mong gawin tungo sa layuning ito?

MALING PANANAW: Ang buhay ay buhay ng pag-iisa. Ginagawa ko ang lahat sa aking makakaya. Wala akong inaabala, at walang umaabala sa akin.

TAMANG PANANAW: Bilang bahagi ng iglesia ni Cristo, may tungkulin akong dapat gampanan. Kailangan kong tuparin ang aking tungkulin at magmalasakit sa iba pang mga miyembro ng iglesia.

Tungkol sa Gabay na ito

Thirty-One Truths: Who We Are in Christ

Isang sulyap sa kung paanong inilalarawan ng Mga Taga-Efeso 1-2 ang ating bagong pagkakakilanlan kay Cristo. Ang gabay na ito na mula sa Thistlebend Ministries ay hihimok sa atin na lubusang ipamuhay ang bagong pagkakakilanlan na ibinigay Niya sa atin.

More

Nais naming pasalamatan ang Thistlebend Ministries at ang manunulat na si Laurie Aker sa pagbabahagi ng babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.thistlebendcottage.org