Tatlumpu't Isang Katotohanan: Sino Ako Kay CristoHalimbawa

HABAG
Ang matinding habag at awa ng Diyos sa atin.
BASAHIN: Mga Taga-Efeso 2:1-4
BASAHIN: Mateo 18:23-35
Dahil ang Diyos ay maawain sa atin, nais nating maging maawain sa iba. May mga pagkakataon ba na hindi ka nagpakita ng pagkahabag sa ibang tao? Bakit? Gaano nga ba kadali ang maging mapangmata sa iba sa isang kadahilanan o iba pa?
MALING PANANAW: Walang malasakit ang Diyos. Wala Siyang pakialam sa mga problema ko at mga suliranin na kinakaharap ko.
TAMANG PANANAW: Ang habag ng Diyos ay dakila. May malasakit at awa Siya sa akin sa lahat ng aking suliranin. Samakatuwid, dapat rin akong maging mahabagin sa iba.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Isang sulyap sa kung paanong inilalarawan ng Mga Taga-Efeso 1-2 ang ating bagong pagkakakilanlan kay Cristo. Ang gabay na ito na mula sa Thistlebend Ministries ay hihimok sa atin na lubusang ipamuhay ang bagong pagkakakilanlan na ibinigay Niya sa atin.
More