Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tatlumpu't Isang Katotohanan: Sino Ako Kay CristoHalimbawa

Thirty-One Truths: Who We Are in Christ

ARAW 21 NG 33

INILIGTAS

Ang masagip mula sa kapahamakan. Iniligtas tayo ng Diyos dahil sa Kanyang biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus. Kapag inilagay ng isang tao ang kanyang pananampalataya kay Jesus, sinasabi ng Biblia na siya ay inaaring-ganap — siya ay itinuturing na matuwid sa paningin ng Diyos.

BASAHIN: Mga Taga-Efeso 2:8-9

BASAHIN: Mga Taga-Roma 3:9-28

Kahit na gaano kahirap, kadilim o kasalimuot ng ating kalagayan, maaari nating paalalahanan ang ating sarili na tayo ay naligtas na! Ligtas mula sa kasalanan at kamatayan at walang hanggang pagdurusa. Ginawa ng Diyos ang hindi natin kaya, at hindi gugustuhing gawin. Salamat sa Diyos! Ngayon, kahit na kay Cristo na tayo, nabubuyo pa din tayong umasa sa ating mga gawa. Ano ang ilan sa mga pagkakataon sa buhay mo na bumabalik ka pa rin sa pagdepende sa sarili mong kakayahan kaysa sa mga gawain ni Jesus para sa iyo?

MALING PANANAW: Tatanggapin ako ng Diyos kung sapat ang kabutihan ko.

TAMANG PANANAW: Walang akong maaaring gawin upang makamit ko ang aking kaligtasan. Kaloob ito ng Diyos na iginawad Niya sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Kanya.

Tungkol sa Gabay na ito

Thirty-One Truths: Who We Are in Christ

Isang sulyap sa kung paanong inilalarawan ng Mga Taga-Efeso 1-2 ang ating bagong pagkakakilanlan kay Cristo. Ang gabay na ito na mula sa Thistlebend Ministries ay hihimok sa atin na lubusang ipamuhay ang bagong pagkakakilanlan na ibinigay Niya sa atin.

More

Nais naming pasalamatan ang Thistlebend Ministries at ang manunulat na si Laurie Aker sa pagbabahagi ng babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.thistlebendcottage.org