Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tatlumpu't Isang Katotohanan: Sino Ako Kay CristoHalimbawa

Thirty-One Truths: Who We Are in Christ

ARAW 19 NG 33

GINAWANG BUHAY KAY CRISTO

Dahil sa pakikiisa ng mananampalataya kay Cristo, ang pagkamatay, pagkalibing, pagkabuhay at pag-akyat sa langit ni Cristo ay itinuturing ng Diyos na gayundin para sa mananampalataya.

BASAHIN: Mga Taga-Efeso 2:4-5

BASAHIN: Mga Taga-Roma 6:1-11

Pumanaw na ang katauhan natin na hiwalay kay Cristo kaya nararapat lamang na mamuhay tayo sa bagong katauhan natin nang may pagsunod sa Diyos. Buhay tayo! Alleluia! Kailangan nang umalis ng mga luma at patay nang mga bagay. Anong mga buhay na bagay ang kailangan buhayin ngayon? Paano mababago ang iyong pananaw sa buhay? Ano pang mga bagay ang kailangang magbago sa buhay mo upang maging alinsunod ito sa bago mong buhay kay Cristo?

MALING PANANAW: Dahil may bagong buhay na ako kay Cristo, maaari ko nang gawin ang lahat ng nais ko sa buhay na ito.

TAMANG PANANAW: Dahil nabuhay din ako kasama ni Jesus, nararapat lamang na mamuhay ako ng buhay na buhay kay Cristo.

Tungkol sa Gabay na ito

Thirty-One Truths: Who We Are in Christ

Isang sulyap sa kung paanong inilalarawan ng Mga Taga-Efeso 1-2 ang ating bagong pagkakakilanlan kay Cristo. Ang gabay na ito na mula sa Thistlebend Ministries ay hihimok sa atin na lubusang ipamuhay ang bagong pagkakakilanlan na ibinigay Niya sa atin.

More

Nais naming pasalamatan ang Thistlebend Ministries at ang manunulat na si Laurie Aker sa pagbabahagi ng babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.thistlebendcottage.org