Tatlumpu't Isang Katotohanan: Sino Ako Kay CristoHalimbawa

KAPANGYARIHAN NG DIYOS
Ang Kanyang hindi masukat na lakas, kadakilaan, kakayanan, walang hanggang kapangyarihan, at awtoridad.
BASAHIN: Mga Taga-Filipos 2:5-11
BASAHIN: Mga Taga-Efeso 3:20-21
Ang kapangyarihan ng Diyos ay naihayag nang husto sa muling pagkabuhay at pagpaparangal kay Jesucristo. Ang ating kahinaan ay isang biyaya, dahil napipilitan tayong manangan sa kapangyarihan ng Diyos. Saan ka mahina? Sa mga anong paraan mo nais makitang kumilos ang kapangyarihan ng Diyos sa buhay mo?
MALING PANANAW: Kailangan kong gawin ang lahat sa pamamagitan ng sarili kong lakas.
TAMANG PANANAW: Ang kapangyarihan ng Diyos ay napakalakas, at makukuha ko ito kay Cristo. Maaari at dapat kong hilingin sa Diyos na gumawa ng mga makapangyarihang bagay sa buhay ko.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Isang sulyap sa kung paanong inilalarawan ng Mga Taga-Efeso 1-2 ang ating bagong pagkakakilanlan kay Cristo. Ang gabay na ito na mula sa Thistlebend Ministries ay hihimok sa atin na lubusang ipamuhay ang bagong pagkakakilanlan na ibinigay Niya sa atin.
More