Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang Kapayapaan ng DiyosHalimbawa

God's Peace

ARAW 3 NG 4

ISANG MAPAYAPANG TAHANAN



PAKIKIPAG-USAP SA DIYOS

Humingi ng tawad sa Panginoon kung nasaktan mo ang damdamin ng isang miyembro ng iyong pamilya o kaya naman ay naging masungit ka rito. Pagkatapos ay pasalamatan ang Diyos para sa mga pakikipag-ugnayan mo sa iyong pamilya at mga kaibigan.



PAGSASAGAWA

Gumamit ng matitingkad na kulay upang gumuhit ng larawan ng isang tahanang may liwanag ng araw at mga ibon sa labas at may keyk, mga regalo at isang pamilya sa loob. Pagkatapos ay gumamit ng madidilim na kulay upang gumuhit ng pangalawang tahanan na may mga ulap na nagbabadya ng bagyo at kidlat sa labas at magkakapatid na masama ang loob sa isa't-isa na nasa loob ng bahay. Paghambingin ang mga larawan. Pag-usapan kung bakit ang isa sa kanila ay mas mapayapa.



PALALIMIN PA

Ang mga pamilya ay binubuo ng mga taong iba't-iba ang pagkatao at damdamin. Kung minsan, ang mga miyembro ng pamilya ay masaya, at kung minsan sila ay nakakaramdam ng galit. Kung anuman ang nararamdaman ng isang tao, hindi dapat nagbabago ang isang mapayapang tahanan. Sinasabi sa Mga Taga-Roma 12:18 na, "Hangga't maaari, makisama kayo nang mapayapa sa lahat ng tao." Kabilang dito ang miyembro ng iyong pamilya. Ang pakikisama sa miyembro ng iyong pamilya ay napakabigat na trabaho minsan. Ngunit sinasabi sa Mga Kawikaan 17:1 na ang isang mapayapang tahanan ay tunay na kayamanan, isang bagay na karapat-dapat na pagsumikapan. "Kahit tinapay ang kinakain ngunit may kapayapaan, mabuting di hamak kaysa malaki ngunit magulong handaan."



PAKIKIPAG-USAP SA ISA'T-ISA

- Paano ka dapat kumilos patungkol sa miyembro ng iyong pamilya?

- Anong maaari mong gawin upang ikaw ay maging tagapamayapa sa pamilya kapag may isang nagagalit o kaya ay masama ang loob?

- Paanong mapupuno ng kapayapaan ng Diyos ang iyong tahanan, kahit hindi kayo sumasang-ayon sa isa't-isa?

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

God's Peace

Sinasabi sa atin ng Salita ng Diyos na Siya ay nag-aalok ng kapayapaan na "hindi kayang maunawaan ng tao" (Mga Taga-Filipos 4:7 RTPV05). Sa 4 na araw na araling ito, maingat ninyong titingnan ng iyong mga anak ang mga ba...

More

We would like to thank Focus on the Family for providing this plan. For more information, please visit: www.FocusontheFamily.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya