Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Muling Pagtuklas sa KapaskuhanHalimbawa

Rediscovering the Christmas Season

ARAW 5 NG 25

Mga Ilaw

Pagkahantad: Basahin ang mga talata tungkol kay Jesus bilang ilaw. Saliksikin ang pinagmulan ng tradisyon ng mga Christmas lights. Magmaneho sa paligid ng bayan kasama ang grupo ng mga kaibigan o pamilya at tingnan ang iba't ibang kapahayagan ng mga ilaw.

Pagtuklas: Paanong si Jesus ang ilaw ng sanlibutan? Mag-isip ng mga siyentipikong katotohanan na alam mo tungkol sa ilaw. Sa anong mga paraan ang ilaw ay perpektong paglalarawan na nilikha ng Diyos mula sa simula upang paliwanagin kung sino si Jesus?

Pagpapahayag: Sa palagay mo bakit tinutukoy ni Jesus ang Kanyang mga taga-sunod bilang ilaw ng sanlibutan? Ano ang kahulugan nito para sa iyong buhay na maging ilaw sa iyong mga relasyon at sitwasyon?

Karanasan: Paanong ang iyong buhay ay naging ilaw sa mga nakapaligid sa iyo? Gumawa ng isang punto upang maging ilaw sa panahong ito.

Tungkol sa Gabay na ito

Rediscovering the Christmas Season

Magsimula ng isang bagong tradisyon ng Pasko na may hindi tradisyonal na twist sa panahon ng Adbiyento. Ang tamang-tamang petsa para simulan ang kaugalian na ito ay Disyembre 1, samantalang ang mas maagang pagsisimula ay magbibigay nang mas nakakarelaks na bilis. Isama ang mga tanong para sa pagninilay at mga hakbanging kailangang gawin upang ang bawat araw ay nakasentro kay Cristo. Mahusay para sa mga individwal, pamilya o maliliit na grupo.

More

Nais naming pasalamatan ang LifeChurch para sa kanilang pagbibigay balangkas para sa -Muling Pagtuklas sa Kapaskuhan. Para malaman ang higit pa tungkol sa LifeChurch, bisitahin ang kanilang website sa www.life.church