Muling Pagtuklas sa KapaskuhanHalimbawa

Ang Pambungad sa Pakikipagsapalarang Ito
Ano ang Adbiyento? Ang Adbiyento ay nagmula sa wikang Latin na adventus na nangangahulugan ng pagdatal o pagdating. Ang mga Hebreo ay umaasa sa pagdating ng isang Tagapagligtas o Mesias—ang Unang Adbiyento. Ngayon, tayo ay sabik na naghihintay sa Kanyang pagbabalik upang ibigin ang Kanyang pakakasalan—ang Pangalawang Adbiyento. Ang Simbahan ay naghihintay na Siya ay bumalik mula pa noong Siya ay unang umalis.
Bakit Kinakailangan Akong Makilahok sa Adbiyento? Kaya, ano ang kaugnayan ng Adbiyento sa pagdiriwang ng pagdating ni Jesus? Karaniwan, ang Adbiyento ay binibilang apat na linggo bago mag-Pasko. Sa praktikal na pamamaraan, ang Adbiyento ay nagpapaalala sa atin na umasa sa Kanyang pagbabalik araw-araw. Ang panahong ito ay tungkol sa pagsisimulang muli kay Jesu-Cristo na nasa sentro ng ating mga buhay. Tutal, kapag Siya ay dumating upang iuwi tayo magpakailanman, nais natin na tayo ay handa. Asahan na mabigyang-inspirasyon, hamunin, muling matuon, mawasak, maganyak, magkaisa, mahikayat, at higit sa lahat, umasa.
Paano ko Gagamitin ang Babasahing Gabay na Ito? Ang bawat araw ay nagbibigay ng pang-araw-araw na mga katanungang pagninilayan at kadalasang nagmumungkahi ng isang gawain upang tulungan kang isentro ang iyong araw kay Jesus. Maari mong sundin ang pagkasunod-sunod o maaari kang lumaktaw at pumili ng isang araw na sa pakiramdam mo ay mas makakatulong. Maaari mong gawin ang gabay nang personal, ngunit umisip ng mga paraan upang gawin ito nang grupo-grupo o bilang isang pamilya. Ang ilan sa mga gawain ay mga bagay na maaari mo nang gawin tuwing Kapaskuhan, ngunit magmumungkahi ng paraan na nakasentro kay Jesus upang pag-isipan ang tungkol dito. Ang ibang mga gawain ay ang mga bagay na hindi mo pa nagagawa, kaya maging bukas-isip at maging handang sumubok ng isang bagong bagay. Bawat araw ay magsasama ng Pagkahantad, Pagtuklas, Pagpapahayag, at Karanasan. Maaaring naisin mong basahin ang Karagdagang Nilalaman bawat araw bago ang kasulatan upang gumabay sa iyong hinahanap.
Pagkahantad: Basahin ang salaysay ng dalawang tao na naghihintay araw-araw sa Templo sa pagdating ni Jesus. Upang magdagdag ng kinaugaliang elemento, kumuha ng impormasyon tungkol sa mga wreath ng Adbiyento at maglagay ng isang bagay na katulad nito sa inyong tahanan na magagamit sa oras na ito. Maaaring ang sa iyo ay kasinsimple ng apat na kandila na nakaayos nang pabilog.
Pagtuklas: Talakayin o itala ang tungkol sa dalawang taong ito na pinagpala sa pagkakita ng Tagapagligtas ng Diyos sa kanilang mga sariling mata. Paanong ang iyong buhay ay sasalamin sa ganitong uri ng paghihintay?
Pagpapahayag: Isipin kung paano mo hinihintay ang Pasko. Gaano kalaki ang damdamin ng pananabik na ito ay nakasentro sa pagdating ni Cristo?
Karanasan: Bago ka magsimula sa 25-araw na paglalakbay na ito, maglaan ng ilang oras sa panalangin. Hilingin sa Diyos na buksan ang iyong mga mata upang ang pangitain ni Jesus ay maging mas malinaw kaysa dati. Hilingin sa Diyos na gawin kang mas higit na nakababatid kung ano ang kahulugan na maipamuhay na may paghihintay sa Adbiyento ni Jesus. Maging sa personal na antas, nang si Jesus ay dumating, ang buhay ay tunay na isang KARANASAN. Danasin natin ito nang lubusan sa Kapaskuhang ito!

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Magsimula ng isang bagong tradisyon ng Pasko na may hindi tradisyonal na twist sa panahon ng Adbiyento. Ang tamang-tamang petsa para simulan ang kaugalian na ito ay Disyembre 1, samantalang ang mas maagang pagsisimula ay magbibigay nang mas nakakarelaks na bilis. Isama ang mga tanong para sa pagninilay at mga hakbanging kailangang gawin upang ang bawat araw ay nakasentro kay Cristo. Mahusay para sa mga individwal, pamilya o maliliit na grupo.
More
Nais naming pasalamatan ang LifeChurch para sa kanilang pagbibigay balangkas para sa -Muling Pagtuklas sa Kapaskuhan. Para malaman ang higit pa tungkol sa LifeChurch, bisitahin ang kanilang website sa www.life.church