Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Muling Pagtuklas sa KapaskuhanHalimbawa

Rediscovering the Christmas Season

ARAW 10 NG 25

Emmanuel

Paglalantad: Basahin ang mga talata tungkol kay Emmanuel. Gumawa ng karatula na nagpapaalala sa iyo na ang Diyos ay kasama mo at isabit ito sa isang lugar na palagi mong nakikita.

Pagtuklas: Ang Emmanuel ay nangangahulugan na "Kasama natin ang Diyos." Paanong si Jesus ay "Kasama natin ang Diyos" pa rin kahit ngayon na Siya ay hindi na lumalakad sa mundo?

Pagpapahayag: Paanong naiiba ang pahayag na ang Diyos ay "para" sa atin sa pahayag na ang Diyos ay "kasama" natin? Ano ang ilan sa mga paraan na nadarama mo na ang Diyos ay kasama mo?

Karanasan: Talakayin kasama ang mga kaibigan o pamilya o itala ang tungkol sa pagkakataon sa iyong buhay na nadama mo na pinakamalapit ka kay Jesus. Gumawa ng mga plano na gagawin mo ngayon upang maging mas malapit sa Diyos. Gaano kahalaga na hangaring maranasan ang pagiging malapit na iyon sa lahat ng pagkakataon?

Tungkol sa Gabay na ito

Rediscovering the Christmas Season

Magsimula ng isang bagong tradisyon ng Pasko na may hindi tradisyonal na twist sa panahon ng Adbiyento. Ang tamang-tamang petsa para simulan ang kaugalian na ito ay Disyembre 1, samantalang ang mas maagang pagsisimula ay magbibigay nang mas nakakarelaks na bilis. Isama ang mga tanong para sa pagninilay at mga hakbanging kailangang gawin upang ang bawat araw ay nakasentro kay Cristo. Mahusay para sa mga individwal, pamilya o maliliit na grupo.

More

Nais naming pasalamatan ang LifeChurch para sa kanilang pagbibigay balangkas para sa -Muling Pagtuklas sa Kapaskuhan. Para malaman ang higit pa tungkol sa LifeChurch, bisitahin ang kanilang website sa www.life.church