Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Muling Pagtuklas sa KapaskuhanHalimbawa

Rediscovering the Christmas Season

ARAW 8 NG 25

Ang Pinakamaliit sa mga Ito

Pagkahantad: Basahin ang mga turo ni Jesus tungkol sa huling paghuhukom. Isipin ang isang tao na kilala mo na maaaring kabilang sa kategoryang "pinakamaliit sa mga ito." Maaari kang mag-isip sa mga hindi mo regular na grupo. Anyayahan sila na kumain na kasama mo. Alamin ang kanilang kuwento. Ipanalangin sila.

Pagtuklas: Paano mo pakikitunguhan nang iba ang mga tao kung nakita mo si Jesus sa kanilang mukha? Ano ang ilan sa mga pagbabago na maaari mong magawa sa iyong pamumuhay na mapapabilang sa kategorya ng tupa?

Pagpapahayag: Magdikit ng isang sticky note na may pangalan ng isang tao sa isang lugar na makikita mo ito araw-araw. Simulang regular silang ipanalangin. Maging bukas kung paano maaaring hilingin sa iyo ng Diyos na tulungan sila.

Karanasan: Ano ang natutuhan mo sa iyong karanasan? Paano magiging iba ang buhay mo kung ikaw ay sadyang maglalaan ng oras para sa mga taong nahihirapan?

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Rediscovering the Christmas Season

Magsimula ng isang bagong tradisyon ng Pasko na may hindi tradisyonal na twist sa panahon ng Adbiyento. Ang tamang-tamang petsa para simulan ang kaugalian na ito ay Disyembre 1, samantalang ang mas maagang pagsisimula ay magbibigay nang mas nakakarelaks na bilis. Isama ang mga tanong para sa pagninilay at mga hakbanging kailangang gawin upang ang bawat araw ay nakasentro kay Cristo. Mahusay para sa mga individwal, pamilya o maliliit na grupo.

More

Nais naming pasalamatan ang LifeChurch para sa kanilang pagbibigay balangkas para sa -Muling Pagtuklas sa Kapaskuhan. Para malaman ang higit pa tungkol sa LifeChurch, bisitahin ang kanilang website sa www.life.church