Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Muling Pagtuklas sa KapaskuhanHalimbawa

Rediscovering the Christmas Season

ARAW 4 NG 25

Lingkod ng Lahat

Pagkahantad: Basahin ang pahayag ni Jesus sa Kanyang mga alagad tungkol sa pagiging lingkod. Sa mga susunod na 24 oras, ipamuhay ito sa pamamagitan ng paglilingkod sa isang tao. Lalong higit mag-isip ng isang paraan na tatanggapin mo ang isang maliit na bata sa pangalan ni Jesus.

Pagtuklas: Sa iyong palagay, bakit niyakap ni Jesus ang isang bata para sa pahayag na ito? Ano ang sinasabi nito tungkol sa ministeryo ni Jesus na ang isang maliit na bata ay nandiyan na sa malapit?

Pagpapahayag: Sino sa palagay mo ang mas pinagpala? Ikaw na naglilingkod o ang mga taong pinaglilingkuran?

Karanasan: Maglista ng mga paraan kung paano mo ginugugol kadalasan ang iyong mga araw. Ang iyo bang buhay ay kakikitaan na pinaglilingkuran o naglilingkod? Ito ba ay may pagkakaiba sa tuwing panahon ng Pasko?

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Rediscovering the Christmas Season

Magsimula ng isang bagong tradisyon ng Pasko na may hindi tradisyonal na twist sa panahon ng Adbiyento. Ang tamang-tamang petsa para simulan ang kaugalian na ito ay Disyembre 1, samantalang ang mas maagang pagsisimula ay magbibigay nang mas nakakarelaks na bilis. Isama ang mga tanong para sa pagninilay at mga hakbanging kailangang gawin upang ang bawat araw ay nakasentro kay Cristo. Mahusay para sa mga individwal, pamilya o maliliit na grupo.

More

Nais naming pasalamatan ang LifeChurch para sa kanilang pagbibigay balangkas para sa -Muling Pagtuklas sa Kapaskuhan. Para malaman ang higit pa tungkol sa LifeChurch, bisitahin ang kanilang website sa www.life.church