Muling Pagtuklas sa KapaskuhanHalimbawa

Niyebe
Paglalantad: Basahin ang tungkol sa paglikha mula sa Genesis. Gumawa ng isang snowman. Gumamit ng tunay na niyebe kung mayroon ka nito, o humanap ng malikhaing paraan upang gumawa ng isang snowman. Maaari kang gumamit ng bulak na binilog, binilog na papel, o kahit gumuhit na lang.
Pagtuklas: Paanong ang paghugis ng isang snowman ay katulad ng ginawa ng Diyos sa atin—sa orihinal na paglikha, at maging sa ating pang-araw-araw na lakad kasama Niya?
Pagpapahayag: Sabihin sa Diyos kung gaano ka nagpapasalamat na patuloy na hinuhugis Niya tayo upang maging mas lalong kawangis ni Jesus. Ilarawan ang pagkakataon sa iyong buhay na natitiyak mo na ang Diyos ay humuhugis sa iyo upang maging katulad ni Jesus.
Karanasan: Basahin ang mga talata tungkol sa niyebe. Depende sa klima sa inyong lugar, maaaring hindi mo maiugnay ang niyebe sa Pasko. Ngunit ang mga talatang ito ay iniuugnay ang niyebe sa pagpapatawad ni Jesus. Talakayin kasama ng mga kaibigan o pamilya o itala ang tungkol sa iyong mga iniisip tungkol sa pagiging busilak katulad ng niyebe.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Magsimula ng isang bagong tradisyon ng Pasko na may hindi tradisyonal na twist sa panahon ng Adbiyento. Ang tamang-tamang petsa para simulan ang kaugalian na ito ay Disyembre 1, samantalang ang mas maagang pagsisimula ay magbibigay nang mas nakakarelaks na bilis. Isama ang mga tanong para sa pagninilay at mga hakbanging kailangang gawin upang ang bawat araw ay nakasentro kay Cristo. Mahusay para sa mga individwal, pamilya o maliliit na grupo.
More
Nais naming pasalamatan ang LifeChurch para sa kanilang pagbibigay balangkas para sa -Muling Pagtuklas sa Kapaskuhan. Para malaman ang higit pa tungkol sa LifeChurch, bisitahin ang kanilang website sa www.life.church