Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Muling Pagtuklas sa KapaskuhanHalimbawa

Rediscovering the Christmas Season

ARAW 16 NG 25

Ang Kapanganakan

Paglalantad: Basahin ang tungkol sa mga hari na dumating upang sumamba kay Jesus. Tingnan ang mga bahagi sa belen at isaalang-alang ang mga anyo na ginamit ng manlilikha upang ipakita na ang eksena ay nakasentro kay Cristo.

Pagtuklas: Sa palagay mo ano kaya ang pakiramdam ng nasa kalagitnaan nito? Anong katayuan o posisyon ang kukunin mo sa eksenang iyon?

Pagpapahayag: Ang mga pantas ay sumamba kay Jesus sa pamamagitan nang pagluhod. Lumuhod at ipahayag sa Kanya ngayon kung gaano mo Siya kamahal. Paanong sa pagkakaroon lamang ng ganitong posisyon ay magbabago ang posisyon ng iyong puso?

Karanasan: Ang mga pantas ay sumamba rin sa pamamagitan ng pag-aalay ng kanilang pinakamabuting regalo. Mag-isip ng isang malikhaing paraan upang mag-alay ng pagsamba ngayon na walang kinalaman sa pag-awit.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Rediscovering the Christmas Season

Magsimula ng isang bagong tradisyon ng Pasko na may hindi tradisyonal na twist sa panahon ng Adbiyento. Ang tamang-tamang petsa para simulan ang kaugalian na ito ay Disyembre 1, samantalang ang mas maagang pagsisimula ay magbibigay nang mas nakakarelaks na bilis. Isama ang mga tanong para sa pagninilay at mga hakbanging kailangang gawin upang ang bawat araw ay nakasentro kay Cristo. Mahusay para sa mga individwal, pamilya o maliliit na grupo.

More

Nais naming pasalamatan ang LifeChurch para sa kanilang pagbibigay balangkas para sa -Muling Pagtuklas sa Kapaskuhan. Para malaman ang higit pa tungkol sa LifeChurch, bisitahin ang kanilang website sa www.life.church