Muling Pagtuklas sa KapaskuhanHalimbawa

Mga Christmas Card
Paglalantad: Basahin ang talata tungkol sa isang nakapagpapatibay-loob na liham. Karamihan sa Bagong Tipan ay binubuo ng mga liham. Bumili o gumawa ng Christmas card para sa isang tao na naging pagpapala sa iyo ngayong taon. Maglaan ng karagdagang panahon sa pagpapahayag sa kanila kung gaano sila kahalaga sa iyo. Kung hindi kasya sa isang card ang nais mong sabihin, gumawa ng isang buong liham katulad ng ginawa ng mga sinaunang iglesia.
Pagtuklas: Isipin kung paano naging mahalaga ang mga ganitong liham noong unang siglo. Anong uri ng komunikasyon ang kadalasan mong ginagamit upang ipahayag ang ganitong uri na mga kaisipan sa mga taong bahagi ng iyong buhay?
Pagpapahayag: Ano sa palagay mo ang magagawa ng iyong card sa damdamin ng taong ito? Bakit sa palagay mo mayroong lubos na kapangyarihan ang pagpapahayag ng pagmamahal sa isang tao?
Karanasan: Sumulat si Jesus sa atin ng napakahabang liham na tinawag na Biblia na nagpapahayag ng Kanyang pagmamahal sa atin. Ano ang naging pinakamahalagang bahagi ng Kanyang liham sa iyo?

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Magsimula ng isang bagong tradisyon ng Pasko na may hindi tradisyonal na twist sa panahon ng Adbiyento. Ang tamang-tamang petsa para simulan ang kaugalian na ito ay Disyembre 1, samantalang ang mas maagang pagsisimula ay magbibigay nang mas nakakarelaks na bilis. Isama ang mga tanong para sa pagninilay at mga hakbanging kailangang gawin upang ang bawat araw ay nakasentro kay Cristo. Mahusay para sa mga individwal, pamilya o maliliit na grupo.
More
Nais naming pasalamatan ang LifeChurch para sa kanilang pagbibigay balangkas para sa -Muling Pagtuklas sa Kapaskuhan. Para malaman ang higit pa tungkol sa LifeChurch, bisitahin ang kanilang website sa www.life.church