Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ikaw ay Karapat-dapat.Halimbawa

You Are Worth It.

ARAW 5 NG 5

Bago Ka Ipinaglihi at Ipanganak.

“Bago ka pa ipinaglihi at ipanganak ay pinili na kita upang maging propeta para sa lahat ng bansa.” Jeremias‬ ‭1:5‬ ‭RTPV05‬‬

Bago ka pa ipinaglihi sa tiyan ng iyong ina at ipanganak, kilala ka na Niya. Sa katunayan, ayon sa Strong’s Concordance, ang salitang Hebreo para sa "kilala" ay, ‘yada’ (H3045) na ang ibig sabihin ay, “Makilala, matutunang makilala, mamalayan, mamalayan at makita, malaman at matalos, makilatis, maitangi, maibukod, malaman sa pamamagitan ng karanasan, mabatid, pag-amin, pagtanggap, pagpapahayag, pagturing.” 

Bago ka pa man napangalanan, ang Diyos ay may matalik nang relasyon sa'yo. Bago ka pa hinugis sa tiyan ng iyong ina, kilala ka na ng Diyos. Bago ka pa man napag-isipan, kilala ka na ng Diyos at may matalik na relasyon sa'yo. Ikaw ay ginawang-kamay Mismo ng Diyos upang isalamin ang Kanyang kaluwalhatian sa Daigdig. 

Bago pa likhain ang Sanlibutan, kilala ka na ng Diyos. Ang pagkakalalang sa'yo ay may layunin. Ang pagkakalagay sa'yo ay estratehiko. Si Jesus ay namatay upang maisabuhay mo ang layuning inilagay ng Diyos sa looban mo. 

Sumuko kay Cristo at piliing isabuhay ang ibinigay ng Diyos sa'yong layunin. Ikaw ay nilalang ng Diyos. Ikaw ay mahalaga at talagang kinalulugdan Niya. Isinugo ng Diyos si Cristo upang mamatay para sa'yong mga kasalanan dahil ikaw ay karapat-dapat. 

Ikaw ay pag-aari ni Cristo at hindi ang kasalanan mo ang ang nagtatalaga sa kung sino ka. Hayaang ang Dugo ni Cristo ang magtalaga sa kung sino ka. Hayaang ang Dugo ni Cristo ang magpalaya sa'yo. Ikaw ay karapat-dapat.

Umaasa kaming ang gabay na ito ay nakapagpalakas ng loob mo.Tuklasin ang Iba Pang Mga Sanggunian mula kay Vance K. Jackson. 

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

You Are Worth It.

Pinangungunahan ni Vance K. Jackson ang mga mambabasa sa makahulugang, nakakapagbago-ng-pusong debosyonal na ito. Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay Niya ang Kanyang Anak bilang Pinakasukdulang Sakripisyo. Sadyang napakainit ng Pag-ibig ng Diyos sa'yo. Ang Pag-ibig Niya ay mas malalim pa kaysa kayang maipahiwatig ng mga salita. Binalot ng Diyos ang Kanyang sarili sa laman at namatay para sa'yo. Si Jesu-Cristo ay namatay para sa'yo. Anuman ang kasalanan. Gaano man ang bigat. Anuman ang pasanin. Namatay si Cristo upang mapalaya ka.

More

Nais naming pasalamatan si Vance K. Jackson sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.VanceKJackson.com