Ikaw ay Karapat-dapat.Halimbawa

Patuloy Ba Tayong Magkakasala?
“Ano ngayon ang sasabihin natin? Patuloy ba tayong magkakasala upang sumagana sa atin ang kagandahang-loob ng Diyos? Hinding-hindi! Tayo'y patay na sa kasalanan, paano pa tayo mamumuhay sa pagkakasala?” Mga Taga-Roma 6:1-2 RTPV05
Kapag ikaw ay nakay Cristo, nakikita ka ng Diyos sa lente ng Dugo ng Kanyang Anak, na si Jesu-Cristo. Sa pamamagitan ng Dugo ni Jesu-Cristo na naibabagsak ang kuta ng kasalanan. Sa pamamagitan ng Dugo ni Jesu-Cristo na nababali ang pamatok at pananakal ng kasalanan. Kapag si Cristo ang iyong Hari, hindi maghahari sa'yong puso ang kasalanan.
Ganito ito ipinapahiwatig ng Josue 24:15 RTPV05, “At kung ayaw ninyong maglingkod kay Yahweh, pumili kayo ngayon kung sino ang inyong paglilingkuran: ang mga diyos na pinaglingkuran ng inyong mga ninuno sa Mesopotamia, o ang mga diyos ng mga Amoreo, na sinasamba dito sa lupaing inyong tinitirhan. Ngunit para sa akin at sa aking sambahayan, kay Yahweh kami maglilingkod.”
Mamili ka. Maaari mong paglingkuran ang kasalanan ng nakaraan o maaari mong piliing sumuko kay Cristo. Ang kasalanan ay isang pagpili. Ang masangkot ay isang pagpili. Ikaw ang pumili. Piliing huwag magkasala.
Si Cristo ay namatay para sa'yo. Si Cristo ay namatay para mapalaya ka mula sa pamatok ng kasalanan. Si Cristo ay namatay para ikaw ay mabuhay. Ang kasalanan ay hindi kailangang maghari sa'yo. Ang kamandag at mantsa ng kasalanan ay hindi kailangang maghari sa'yo. Binigyan ka ni Cristo ng kakayahan at kapangyarihang durugin ang bawat sandata at taktika ng kaaway.
Sa Lucas 10:19 RTPV05, idinideklara ni Cristo ang, “Binigyan ko kayo ng kapangyarihang tapakan ang mga ahas at mga alakdan, at ang lahat ng kapangyarihan ng kaaway; at walang makakapanakit sa inyo.”
Kapag ikaw ay nakay Cristo, ang kapangyarihan ni Satanas ay hindi kailangang maghari sa'yo. Mamili. Piliing huwag isangkot ang iyong puso sa mantsa at pagkaalipin ng nakaraan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Pinangungunahan ni Vance K. Jackson ang mga mambabasa sa makahulugang, nakakapagbago-ng-pusong debosyonal na ito. Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay Niya ang Kanyang Anak bilang Pinakasukdulang Sakripisyo. Sadyang napakainit ng Pag-ibig ng Diyos sa'yo. Ang Pag-ibig Niya ay mas malalim pa kaysa kayang maipahiwatig ng mga salita. Binalot ng Diyos ang Kanyang sarili sa laman at namatay para sa'yo. Si Jesu-Cristo ay namatay para sa'yo. Anuman ang kasalanan. Gaano man ang bigat. Anuman ang pasanin. Namatay si Cristo upang mapalaya ka.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Prayer

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo

Mag One-on-One with God

Nilikha Tayo in His Image

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

Ang Kwento ng Naglayas na Anak

Masayahin ang ating Panginoon

Ang Kahariang Bali-baliktad

Sa Paghihirap…
